THE VISION BOARD

Why Your Support Matters for PWDs in Tech Voc

4 min read

Aug 19, 2022

In this article, nakipag-usap kami sa isang Bread and Pastry Production NCII graduate na si Anne, 22 years old, kasama ang kaniyang trainer at support person na si Ms. Sarah Diaz. Si Ms. Sarah ay dormmate niya rin dahil ang bahay nila Anne ay malayo sa TESDA branch kung saan siya ay nagte-training.

Sa panayam na ito, malalaman natin kung gaano kahalaga ang suporta na natatanggap ng mga students with disabilities sa kanilang pagpupursigi sa tech-voc. Hopefully, ito ay maka-encourage din sa ibang students with disabilities na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at maka-inspire sa ating lahat na magbigay ng suporta sa kanila. 

Ito ang tatlong paraan kung paano nagkakaroon ng kahulugan ang iyong suporta para sa mga students with disabilities.

Your moral support keeps them going.

Ang pagbibigay ng suporta sa mga PWDs in tech-voc ay nage-encourage sa kanila na magpursigi sa kanilang mga pangarap. Katulad ng example ni Anne, “Mahalaga na may naniniwala sa iyo na kaya mong gawin ang isang bagay.” Ito ang nagtutulak sa kanila na maging successful at hindi ituring na hadlang ang kanilang disability.

Sabi naman ni Ms. Sarah, “Seeing Anne as my student, hindi kasi niya talaga pinapakita na iba sya. Ginagamit niya ‘yung disability niya para ma-motivate [siya.]” Dagdag pa niya, “Nangibabaw sa kanya ‘yung pagiging jolly niya tsaka independent. And then through words of encouragement na ‘Anne kaya mo ba?’, mafi-feel niyang may tutulong sa kanya just in case hindi niya kaya.”

Your support can help materialize practical improvements for PWDs

During her NCII training, napansin ni Anne na may mga pagkukulang pa rin sa kanyang school at community sa pagsuporta sa mga PWD. Kaya naman naging aware din siya na kailangan pa ring maging sensitive ng ating society sa iba’t ibang pangangailangan ng mga PWDs. 

She also notes that there are improvements to be made, specifically in schools: “More on equipment and ‘yung mga special na kailangan. Kunwari po, sa visually impaired kailangan po nila yung [Braille] book. Sa wheelchair user naman po, [kailangan ng] mas mababang mga tables or stoves.”

Your support makes them shine

And because of your support, ang mga estudyanteng PWD sa tech voc ay nagsha-shine at nace-celebrate nila ang kanilang uniqueness and skills — at nakakapag-inspire din sila ng ibang tao dahil doon!

Sa pagpapakita ni Ms. Sarah ng suporta sa kanyang estudyante na si Anne, masasabi niyang, “In the end mas nangibabaw [sa akin] ‘yung sense of fulfillment kasi nakita kong masaya si Anne during the trainings and marami siyang kaibigan na nakikilala.”

Matapos ang training ni Anne, proud si Ms. Sarah na natulungan niya ito sa pagkamit ng kaniyang certificate at makapag-inspire ng iba. “During our graduation, nakita siya ng lahat na naka-wheelchair, so lahat parang na-inspire at natuwa. From my perspective, masaya akong ganyan ang effect niya.”

For Anne, masaya din siya that she’s encouraging other people na magpursigi sa kung anuman ang pangarap nila sa buhay. “Sa friends ko po, hindi po sila ‘yung nagsasabi na, ‘Uy, hindi mo kaya ‘yan dahil sa disability mo.’ Instead, parang nabibilib po sila,” Anne shares with a smile. “Noong nag-assessment po kami, yung assessor po namin pinost niya ako na inspiring daw po ako. So, sobrang nakakasaya po sa heart ‘yung ganun.”

Para sa mga students with disabilities sa tech voc, ang kakayahan na mag-rise above sa kanilang mga disabilities, masundan ang kanilang mga pangarap, at ma-inspire ang ibang tao along the way ay ilan lang sa mga notable achievements nila. At natutuwa din sila na nakakaramdam ng sense of fulfillment ang mga taong naging parte ng support system nila. Win-win situation for everyone!

Ikaw, paano mo ipinapakita ang pagsuporta para sa mga People with Disabilities in your life?

Edukasyon.ph and Investing in Women are committed to providing a safe space for everyone. If you are in need of support due to experiencing gender-based discrimination or violence in the home, school, or workplace, please contact the following hotlines below.

Inter-Agency Council on Violence Against Women and their Children: 09178671907 / 09178748961

Department of Social Welfare and Development (DSWD): (02) 931-8101 to 07

Philippine National Police (PNP) Hotline: 177 / (8)723-0401

PNP-Women and Children Protection Center (WCPC):  (02) 8532-6690

Aleng Pulis Hotline: 0919 777 7377

NBI Violence Against Women and Children: vawcd@nbi.gov.ph

 

Written By:

Take care of your mental health

>
Generation Zen

How To Channel Confidence This Back-to-School Season

3 min read
Aug 11, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Which Wellness Reminder Do You Need Today?

1 min read
May 25, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways To Deal With Face-To-Face Classes Anxiety

6 min read
Apr 22, 2022
Like this post
>
Generation Zen

3 Ways You Can Do a Wellness Check-In

4 min read
Apr 19, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Manifest Wellness in Your Life

11 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Dear Besties, Why Am I Not Feeling Well Today?

7 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Generation Zen

3 Ways Online Learning Has Made Us Better Students

5 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Positively Use the Internet in 2022

3 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Too much internet? 5 Signs You Might Need an Online Break

7 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Movies And Shows You Need To Watch Based On Your SHS Strand

8 min read
Feb 17, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Virtual Internship Experience with the Besties

8 min read
Jan 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

How to Develop a Growth Mindset for the Future

7 min read
Dec 28, 2021
Like this post
View More Stories
Explore new paths
Career Guide

No need to cram! This is the fun kind.

Quests

Learn and earn rewards along the way!

Resources

Planning for college? Don’t worry, we gotchu!

What do you want to be when you grow up?

Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.

Need more info?

Send us a Message

Error