Error

Asking for a Friend: How to Tell Your Parents That You Want to Take Up a Tech Voc-Course

Reservations about telling your parents you want to pursue a tech-voc course is only natural especially anticipating you might hear the words “Hindi puwede,” “Kababae mong tao,” “Panlalaki yan,” or “Mas magandang mag-college.” In any case, nandito kami para tumulong! Here are some tips on how to tell your parents that you want to take a tech-voc course and that it’s a great option for you regardless of your gender:

Make a list of why you want to take up a tech voc course

Subukang ilista ang iyong personal reasons kung bakit napili mo ang tech-voc na gusto mo. Dahil ba sa hobbies? Dahil mas komportable ka? In what way? When you are genuinely interested and invested in what you do, it makes you want to be the best at it regardless kung “panlalaki” o “pambabae” ang track na iyon — ito ang linawin mo sa iyong mga dahilan. Subukan mong isa-isahin ang pinanggagalingan ng iyong desisyon para malinaw ang iyong interest dito. This can include anything from the easy application process and the flexible and shorter educational period to the job-ready skills you will acquire from your chosen course, and the high demand for these skills in the job market. Ipaliwanag mo na willing kang sumabak sa iyong napiling track, kahit na hindi ito ang typical na four-year educational program. 

Present facts about your chosen track

We suggest giving them digestible information katulad ng: a) kung gaano kamura ang TVL kumpara sa traditional college; b) mas mabilis makakuha ng trabaho dahil hanggang 2-years lang ang schooling with work immersion na, c) maraming job opportunities hindi lang dito sa Pilipinas, kundi abroad din; and d) you can pursue the option of becoming a Trainer or Master Trainer kung gugustuhin mong palawakin ang iyong career sa pamamagitan ng pagtuturo ng skills development sa mga nag-aaral din ng parehong field. Kung sa tingin mo ay posible rin ang makapagtayo ng sarili nyong negosyo, baka isa rin itong additional point para makumbinsi sila. Sa paglilista ng posible nilang tanong, mas matitimbang mo ang pros and cons at kung bakit sa huli ay tech-voc ang pinaka-swak sa iyo. (Watch: Explained in 157 Seconds: The Future is Tech-Voc)

On top of this, acquiring a list of schools or centers can be encouraging to your parents as well. Kung ikaw ay babae, plus points kung may maisasali kang women’s schools na may tech-voc offerings katulad ng Miriam College na may Skills Education and Technical Education Center, Philippine Women’s College of Davao na may TESDA Diploma Programs, o ng TESDA Women’s Center na humihikayat ng kababaihan na tahakin ang tech-voc path. Mainam na ang papasukan mong eskwelahan ay may gender sensitivity trainings at policies. To make sure you have resources on what schools are accessible and inclusive, don’t hesitate to ask your school’s guidance counselor for help! Sa ganoon, mabibigyan mo ng assurance ang parents mo (at ang sarili mo!) na ang napili mong institution ay aktibo sa paggawa ng ligtas na learning environment para sa mga babaeng estudyante. 

Start opening up to your parents.

Imagine kung ano ang magiging reaction nila. Magagalit? Matutuwa? Iiyak? Humandang mag-effort sa pagpahinahon kung sa tingin mo ay mao-overwhelm sila. Kung feeling mo naman na ikaw ang mao-overwhelm, dahan-dahanin mo rin ang pagbukas sa kanila ng usapin na parang kinakausap mo lang din sarili mo nung unang beses na naisip mong gusto mong mag-tech voc. Kung medyo hindi ka pa rin mapakali, i-try mo munanong i-role play ang scenario kasama ang kapatid o kaibigan mo para ma-practice mo ang magiging posibleng puntahan ng pag-uusap.

Pwedeng hindi agad um-oo ang mga magulang mo sa unang sabi mo pa lang. Baka nga, ilang araw o linggo pa bago mag-iba ang isip nila. Okay lang ‘yan! Baka mainam para sa kanila to take their time. Tandaan  mo lang kapag napapag-usapan nyo ang tungkol sa desisyon mo, ang point ay masabi mo na: 1) you want to be actively involved in building your future and this decision is something you are taking seriously, and; 2) you value their insight kaya gusto mo silang makausap nang klaro tungkol dito. However, in doing so, tandaan na two-way street ang pakikipag-communicate kaya… 

Be prepared for their criticisms

“Papunta ka palang, pabalik na ‘ko.” We’ve heard these words way too many times growing up. While this can be discouraging and not the reaction you were hoping for, kalma lang. Your parents’ criticisms are probably coming from a good place and out of concern for you. After all, your parents do have experience planning for the future themselves. They have some idea on what steps to take and not to take.

However, if you think you’ll possibly face hostile treatment and are afraid that bringing up the topic of your education can bring about threats, you can take a look at these groups or resources to help you prepare:

Lunas Collective – isang libreng feminist chatbot service para sa mga may gender-based violence concerns. May volunteer na pwedeng kumausap sayo para matulungan ka sa paghanap ng suportang kelangan mo – from counseling to referrals sa mga serbisyo na nakatuon sa kababaihan.

Philippine Mental Health Association, Inc.
Mobile Number: 09155262622 (Globe) | 09184029832 (Smart)
Email: pmha.mhpss4womenandchildren@gmail.com
Kung gusto mo lang din na may makausap tungkol posibleng makaharap na aggression sa bahay, maaaring ma-accommodate ito ng volunteers ng PMHA.

Tisya Hustisya
Cellphone Number: 0953 382 6935
Telephone Number: +6324365470
thustisya.ideals@gmail.com
Kung ikaw naman ay naghahanap ng tulong-ligal katulad ng paglapit sa isang abogado, maaaring mag-assist sayo ang Tisya Hustisya.

Young Feminists Collective – ito naman ay isang namang online community ng advocates para sa kaligtasan ng kababaihan. Meron silang Facebook group kung saan miyembro ang mga teacher, researchers, mental health professionals, kapwa batang kababaihan, at iba pa, na maaaring pagtanungan ng suporta.

Show how passionate you are

If you’re eager about something katulad ng pagkuha ng isang tech-voc track, i-share mo din kina mama at papa! Kung meron kang nakitang interesting tungkol sa napili mong field, ipakita mo rin sa kanila. Meme? Article? News? Random trivia? Kwento ng isang kakilala na nag tech-voc at may trabaho o negosyo na? May nagawa o naayos ka bang something recently? You can start from the many different articles on the how-tos, benefits, courses, and possible careers out of tech-voc from Edukasyon! (Check out: The Technical-Vocational-Livelihood Track | I Am #Tech-Voc Ready!) These might help na i-”warm up” sila sa ideya ng tech-voc career. Hayaan mong maging visible ang mga hobbies o interests mo para di sila mabigla na ito pala ang gusto mong pasukan.

The key here is to be able to present na you’re going to still be the well-rounded anak they hope you to be, and it wouldn’t matter kung makukuha mo ito sa pamamagitan ng Bachelor’s degree o tech-voc certification. Kung ipapakita mo ang passion na ito, you’ll make it easier for your parents to believe that you’ll follow through with your decision and do the best you can while at it.

Explain what your future looks like

Ang iyong ikabubuti lang ang gusto ng magulang mo, so it’ll be in your best interest to help soothe their worries by explaining what your future may end up looking like. I-visualize mo kung saan ka mapupunta at ano na ang ginagawa mo in 5 or 10 years. Ikaw ba ay may may sariling business? Nasa abroad? Or self-employed? Paano mo natutulungan sina mama at papa that time? Ibahagi mo ito sa kanila para alam nila na may direksyon kang naiisip sa gusto mong pasukan, at na parte rin sila ng naiisip mong future.

It’ll also be helpful to touch on how the industry you’re going into is currently looking like. For example, with the boom of the tech industry, people with communication and information skills are in-demand and will continue to be so in the coming years. So contact center services skills, o di kaya ay ICT skills look like valuable career options. It’s also worth bringing up that there is always a demand for skilled workers, no matter the gender, in various industries not only here in the Philippines but across the globe.

Depending on your circumstances, one or all of these suggestions can be helpful. Just make sure that whatever path you choose is one that you genuinely want and one that you’ve spent time looking into. Kahit pa karamihan ay babae o lalaki sa gusto mong pasukang specialization, as long as hinahasa mo ang mga kailangang skills at maganda ang iyong work ethic, you will be competent enough na sumabak sa industriya. Commit to it, and do your best!

 

Take care of your mental health

>
Generation Zen

5 Emotions You Could Be Feeling Because of the Upcoming School Year

6 min read
Aug 2, 2021
Matthe* R*** and 14 other likes this
>
College Life

Macy Lee: Promoting Self-care Through Language

5 min read
Jul 15, 2021
wazzapi* and 22 other likes this
>
Free Cut!

A letter to our not-so-fetch groupmates

5 min read
Jul 8, 2021
Iris* S*** and 19 other likes this
>
Generation Zen

Living Outside the Box of Lesbian Stereotypes

4 min read
Jul 6, 2021
Jece* S*** and 11 other likes this
>
College Life

Ateneo MEA students partnered up with startup companies for internships, employment

3 min read
Jul 1, 2021
Ga* T*** and 5 other likes this
>
Edukasyon's Guide To

8 LGBQT+ Microaggressions to Avoid Inside and Outside the Classroom

5 min read
Jun 30, 2021
Angelin* S*** likes this
>
College Life

The Thought Process of Filipino Students Debating Whether to Pursue Their Studies Abroad

5 min read
Jun 11, 2021
Angelin* S*** and 1 other likes this
>
Edukasyon's Guide To

10 Most Searched College Courses in the Pandemic

5 min read
Jun 3, 2021
Czarin* B*** and 1 other likes this
>
Generation Zen

5 Happy Items For Your Daily Grind

5 min read
May 29, 2021
Eunic* D*** and 2 other likes this
>
Commune

Reasons why we should pay attention to the importance of Mental Health, Now more than ever

3 min read
May 7, 2021
Eunic* D*** and 5 other likes this
>
Edukasyon's Guide To

Live S.T.R.O.N.G: A Student’s Guide To Life

4 min read
Mar 5, 2021
Mayum* T*** and 4 other likes this
>
Free Cut!

5 Things That Video Games Can Teach Us About Goal-Setting

5 min read
Mar 5, 2021
Cherr* M*** and 6 other likes this
View More Stories

Explore new paths

Career Guide

No need to cram! This is the fun kind.

Quests

Learn and earn rewards along the way!

Resources

Planning for college? Don’t worry, we gotchu!

What do you want to be when you grow up?

Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.

Need more info?

Send us a Message