Error

Awkward? Paano Kausapin ang Iyong Magulang Tungkol sa Sex

Hindi kailangang maging nakakailang ang pakikipag-usap sa magulang tungkol sa sex and sexuality.

Marahil iniisip ng mga kabataan ngayon na ang usaping sex o “sex talk” kasama ng kanilang mga magulang ay nakakahiya, awkward, at higit sa lahat… IMPOSIBLE. Kasi nga naman, paano mo sila tatanungin ng “Ma, Pa, paano ba makipagsex?” nang hindi ka mapipingot, ‘di ba?

Siguro isa sa pinakamalaking tanong ng bawat teenager ay “Kailangan ko ba talagang tanungin ang mga magulang ko tungkol sa sex?” Ang sagot ay isang malaking CHECK!

May kabutihan bang maidudulot ang “sex talk” kasama ng mga magulang?

Ang mga kabataang open sa kanilang mga magulang na makipag-usap tungkol sa sex ay may mas mababang chance na maging aktibo sa sex habang nasa murang edad. Mas mababa rin ang chance nilang mabuntis o makabuntis nang maaga dahil sa paggamit ng contraceptives gaya ng condom. Ayon ito sa pag-aaral nina Markham CM, Lormand D, Gloppen KM, et al. na pinamagatang “Connectedness as a Predictor of Sexual and Reproductive Health Outcomes for Youth” noong 2010.

Ang pagtatanong sa iyong magulang tungkol sa sex ay pwedeng magbigay sayo ng mas malawak na perspektibo tungkol dito–gaya ng kung anong klase ng relasyon ang dapat mong pasukin at kahalagahan ng paggamit ng contraceptives gaya ng condom, pills, atbp. para makaiwas sa hindi planadong pagbubuntis at mga sakit na maaari mong makuha mula sa unsafe sex o pakikipagtalik nang walang proteksyon. 

Oo, nakakahiyang magtanong at mag-open ng ganitong usapin sa iyong magulang. Pero paano kung hinihintay ka lang pala ng nanay o tatay mo kasi hirap din silang kausapin ka tungkol dito pero alam nilang kailangan mo ito? Mahirap simulan, pero pag-uusap nang masinsinan o PM… is the key!

Paano ba dapat simulan ang “sex talk”?

1. Find the right time. Weird naman siguro kung bigla mo na lang tatanungin ang mama o papa mo tungkol sa sex habang nag-aagahan kayo sa hapagkainan. Mas ok kung tanungin sila kung may oras ba sila mamaya dahil meron kang gustong pag-usapan nang pribado. Mahalaga ang pagse-set ng mood at timing, para maging magaan ang one-on-one sex talk niyo.

2. Throwback Thursday… or any other day! Isang magandang simula rito ay ang pagtatanong kung ano ang pananaw nila sa sex noong teenager sila. Sa ganitong paraan maririnig mo ang opinyon nila at mapapakita mo na nirerespeto mo kung ano ang pananaw nila tungkol sa sex.

Pwede mo rin silang tanungin kung paano sila unang namulat sa sex. Saan at kanino nila ito unang nalaman? Ano ang tingin nila sa mga kaedaran mong nakikipagsex na? Para sa kanila, ilang taon ba ang tamang edad para makipagsex?

3. Agree to disagree. Mahalaga rin na maipakita mo sa kanila na kahit posibleng maging magkaiba kayo ng mga pananaw ay nakikinig ka pa rin sa kanila dahil sa dami ng pwede mong matututunan mula sa kanila. 

4. Make a list, and check it twice! Kung nahihiya ka pa rin at kinakabahan na magtanong ng ganitong topic sa mga magulang mo, pwede mong ilista ang mga bagay na gusto mong malaman para ‘di ka mablangko kapag kaharap mo na sila. Pwede rin namang i-text o i-chat mo na lang sila kung hindi mo talaga kayang makipag-usap nang harap-harapan… literal na PM is the key nga, ‘di ba?

Paano kung hindi open ang mga magulang ko sa mga ganitong sensitibong usapin?

Ang usapang sex ay maaring mahirap simulan kasama ang iyong pamilya dahil ang sensitibong usaping ito ay pwedeng magdulot ng pagdududa o misunderstanding. Ang bawat pamilya ay may magkakaibang dynamics at klase ng relasyon. Importanteng tandaan na hindi malayong maging mahirap para sa ibang kabataan ang mag-open up sa mga magulang nila ng topic ng sex.

Kung sa tingin mo ay imposible talaga ang sex talk kasama ng iyong mga magulang, sa halip na subukin mong alamin ito mag-isa o tanungin ang iyong mga kaibigan, baka meron kang mas nakatatanda na pwedeng makausap gaya ng tito o tita mong ka-close mo. Baka meron din kayong guidance counselor sa school na pwedeng makasagot sa mga katanungan mo. Kung meron kang pinagkakatiwalaang teacher, bakit hindi mo ito i-open up sa kanila? O kaya naman ay magpakonsulta ka sa isang propesyonal o doktor para mas mabigyang linaw ang mga tanong mo. Ang mahalaga ay magkaroon ka ng makakausap na mapagkakatiwalaan mo at hindi ka mahihiyang mag-open up at ma-judge. 

Tandaan: Napakaraming pwedeng maging sagot si Google sa paksa ng sex at nagkalat din ang mga “how-to” articles sa internet pero ang pagkuha ng tama at tiyak na impormasyon tungkol sa sensitibong usapang ito ang dapat na mas pagtuunan mo ng pansin. ‘Di bale nang tiisin mo yung kaba at hiya na mag-initiate ng sex talk kesa naman mag-experiment ka at makakuha ng maling impormasyon o patuloy na maging puno ng duda at alinlangan. Nagsisimula pa lang ang sexual journey mo at marami pang pwedeng mangyari, pero mas masayang maging mas mautak. Sabi nga nila, laging lamang ang may alam!

 

Take care of your mental health

>
Generation Zen

A Forest Call

1 min read
Oct 8, 2021
Like this post
>
Generation Zen

Time: Chronicles of Nurturing Nature

1 min read
Oct 8, 2021
Erik* N*** likes this
>
Generation Zen

BFF: Meet the friend you need to save

1 min read
Oct 8, 2021
Christia* R*** likes this
>
Generation Zen

Pagmimina

4 min read
Oct 7, 2021
Like this post
>
Generation Zen

When I woke up, it slowly fades

3 min read
Oct 7, 2021
Like this post
>
Generation Zen

Punla ng Buhay

11 min read
Oct 7, 2021
Like this post
>
Generation Zen

A Blissful Summer with Nature

8 min read
Oct 6, 2021
Like this post
>
Generation Zen

Is It Okay to Take a Gap Year?

8 min read
Oct 4, 2021
Like this post
>
Generation Zen

How Students Are Feeling About Another Year of Online Learning

6 min read
Sep 20, 2021
Like this post
>
Generation Zen

5 Emotions You Could Be Feeling Because of the Upcoming School Year

6 min read
Aug 2, 2021
Matthe* R*** and 14 other likes this
>
College Life

Macy Lee: Promoting Self-care Through Language

5 min read
Jul 15, 2021
wazzapi* and 22 other likes this
>
Free Cut!

A letter to our not-so-fetch groupmates

5 min read
Jul 8, 2021
Iris* S*** and 20 other likes this
View More Stories

Explore new paths

Career Guide

No need to cram! This is the fun kind.

Quests

Learn and earn rewards along the way!

Resources

Planning for college? Don’t worry, we gotchu!

What do you want to be when you grow up?

Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.

Need more info?

Send us a Message