Error

Bakit Maraming High School Graduates Ang Sumasali Sa Skills Training?

Pasanin ng maraming high school graduates ang paghanap ng trabaho. Tila limitado ang job opportunities dahil college graduate ang madalas na hinahanap ng mga employer. Pero huwag kang panghinaan ng loob kung hindi abot-kaya ang college. Hindi mo kailangang gumastos nang malaki para matutunan ang skills na kailangan para makakuha ng qualification para sa magandang trabaho. Skills training ang pag-asa mo para magkaroon ng magandang kinabukasan. 

Ano ang skills training?   

Ang skills training ay isang paraan para makakuha ng kaalaman at practical skills na kailangan para sa partikular na trabaho. Maliban sa classroom lessons, may kasamang work experience sa aktwal na kumpanya ang skills training. Ito ang magbibigay sa ‘yo ng certification at qualification para mapadali ang paghahanap ng trabaho. Ang maganda dito ay may mga nagbibigay ng libreng skills training sa kabataan, gaya ng YouthWorks PH

Nag-aalangan ka pa ba kung may maitutulong talaga sa ‘yo ang skills training? Narito ang ilang opinyon mula sa mga nag-attend ng YouthWorks PH recruitment event.  

4 na dahilan kung bakit makakatulong ang skills training sa paghahanap mo ng trabaho

1. Matuto ng skills na hinahanap ng mga employer. 

“Nowadays, hinahanap [ng employer ay] college graduate. [Pero] bukod doon, kailangan ng experience, alam yung ginagawa sa trabaho. Kailangan may skills. Hindi lang skills; yung experience, talino para magampanan kung ano yung trabaho na binigay sa kanila.” 

Ang skills training ay mabilis at praktikal na paraan para matuto ng job skills. Sa kasimbilis ng 1-6 months, qualified ka na sa in-demand na trabaho! Sa pamamagitan ng skills training, magkakaroon ka ng kaalaman at practical skills para maging mas confident kapag nag-apply ka na sa trabaho.  

2. Maging sigurado sa career path mo. 

“. . . nakakatulong yung skills training sa paghahanap ng trabaho dahil masasabi mong experience mo ‘yon. Kasi kung anuman yung skills mo, magagamay mo kung saan ba nakaangkla yung gugustuhin mong trabaho. At saka mas gamay mo siya kapag naghahanap ka ng trabaho kaya mas madali kang matatanggap sa company . . . ”

Kung gusto mong malaman ang mga kakayahan mo, work experience sa skills training ang tiyak na sagot dito. Mula dito, malalaman mo kung paano pagtugmain ang gusto mo sa kaya mo para makuha ang trabahong angkop sa mga kakayahan mo. 

Skills training din ang tsansa mo para masubukan ang isang trabaho at malaman kung ito ba talaga ang gusto mo⁠—sa maikling panahon. Kung hindi man ito ang gusto mong trabaho, madali kang makakasubok ng iba pang skills training hanggang sa mahanap mo na ang para sa ‘yo.   

3. Magkaroon ng tiwala sa sarili pagdating sa job interviews. 

“Para sa ‘kin, tumatak yung importante sa age namin is naghahanap na ng trabaho, yung paano gumawa ng resume, paano ka humarap sa interviewer mo.” 

Nakakakaba ang mga job interview. Pero work experience at skills training ang magbibigay sa ‘yo ng confidence para humarap sa mga interviewer. Magtiyaga lang na makinig sa job interview tips sa mga skills fair gaya ng YouthWorks PH at magbasa ng online articles para maging handa sa job applications. 

4. Magkaroon ng tiyak na trabaho. 

“Siguro nakaka-relate ako doon sa Punlaan School. Like may mga nag-offer ng vocational. At sabi kasi na kapag once na naka-graduate ka daw sa school na iyon, may sure na partners like mga hotels na pwede mong pagtrabahuan . . . Siguro yun yung nakikita ko sa Punlaan kaya lahat ng mga babaeng graduate doon ay successful.” 

Sa tulong ng skills training, tataas ang tsansa mong ma-hire agad ng employer. Dahil ito sa work experience na makukuha mo sa mismong kumpanya na pwedeng mag-hire sa ‘yo⁠—basta maipakita mo ang sipag at kakayahan mo. Kung hindi ka man palaring ma-hire ng kumpanya kung saan ka nag-training, may certification at work experience ka na para mas madaling makahanap ng trabaho!  

Maraming paraan para maging handa sa magandang kinabukasan. At hindi ito limitado sa mga nakapagtapos ng college. Kailangan mo lang magsimula sa desisyon na sumubok ng mga oportunidad gaya ng skills training. 

Ano pang hinihintay mo? I-fill out na ang YouthWorks PH registration form. Libreng skills training sa hospitality and tourism, banking and finance, energy, agriculture, at construction ang naghihintay sa ‘yo! 

Mag-register na sa YouthWorks PH!  

 

Take care of your mental health

>
Generation Zen

A Forest Call

1 min read
Oct 8, 2021
Like this post
>
Generation Zen

Time: Chronicles of Nurturing Nature

1 min read
Oct 8, 2021
Like this post
>
Generation Zen

BFF: Meet the friend you need to save

1 min read
Oct 8, 2021
Like this post
>
Generation Zen

Pagmimina

4 min read
Oct 7, 2021
Like this post
>
Generation Zen

When I woke up, it slowly fades

3 min read
Oct 7, 2021
Like this post
>
Generation Zen

Punla ng Buhay

11 min read
Oct 7, 2021
Like this post
>
Generation Zen

A Blissful Summer with Nature

8 min read
Oct 6, 2021
Like this post
>
Generation Zen

Is It Okay to Take a Gap Year?

8 min read
Oct 4, 2021
Like this post
>
Generation Zen

How Students Are Feeling About Another Year of Online Learning

6 min read
Sep 20, 2021
Like this post
>
Generation Zen

5 Emotions You Could Be Feeling Because of the Upcoming School Year

6 min read
Aug 2, 2021
Matthe* R*** and 14 other likes this
>
College Life

Macy Lee: Promoting Self-care Through Language

5 min read
Jul 15, 2021
wazzapi* and 22 other likes this
>
Free Cut!

A letter to our not-so-fetch groupmates

5 min read
Jul 8, 2021
Iris* S*** and 20 other likes this
View More Stories

Explore new paths

Career Guide

No need to cram! This is the fun kind.

Quests

Learn and earn rewards along the way!

Resources

Planning for college? Don’t worry, we gotchu!

What do you want to be when you grow up?

Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.

Need more info?

Send us a Message