College Lang Ba Ang Paraan Para Makahanap Ng Magandang Trabaho?

4 min read

Sep 03, 2019

Mapa-employer man o job applicant, maraming naniniwala na college degree lang ang nag-iisang paraan para makahanap ng trabaho. Ang problema ay maraming Pilipino ang hindi makapag-college dahil sa financial o personal na dahilan. Madalas, nahihirapan silang maghanap ng trabaho dahil kailangan nilang makipag-kompetensiya sa mga college graduate.

Pero kulang ba talaga ang job opportunities para sa mga hindi nakapagtapos ng college, o kailangan lang nilang palawakin ang kanilang tinitingnang career opportunities? 

Ang totoo, may libu-libong job opportunities na naghihintay sa industriya ng tech-voc, pero hindi pa ito lubos na alam ng kabataan. “Last option” daw ang tech-voc para sa mga hindi pumasa ng college pero hindi ito laging totoo. May mga estudyante na pumapasok sa tech-voc para matutunan ang mga skills na kailangan nila para maabot ang kanilang dream job—at hindi ito limitado sa construction! May iba pang mga kurso sa tech-voc gaya ng Hairdressing with Cosmetology, Hospitality and Tourism, Banking and Finance, at Agriculture.  

Di maipagkakailang maganda ang oportunidad na dala ng college, pero hindi rin naman ibig sabihin na katapusan ng mundo kung hindi ito ang landas na mapili mo. Para tumaas ang tsansa mong makahanap ng magandang trabaho, ito ang mga dapat mong tandaan: 

1. Hindi mo kailangan ng apat na taon sa kolehiyo para makahanap ng magandang trabaho.

Apat na taon ang karaniwang haba  ng isang kurso sa kolehiyo. Samantala, dalawang buwan hanggang isang taon lang ang tagal ng mga tech-voc course. Isa sa mga dahilan ng mababang tingin sa tech-voc ay ang pagiging mas maikli nito kaysa sa kolehiyo. Pero hindi dapat ikumpara ang kolehiyo sa tech-voc dahil magkaiba silang industriya. Sa pamamagitan ng tech-voc, makakapag-focus ka sa practical training para sa isang partikular na trabaho.    

Libu-libo ang job opportunities sa Pilipinas pero malaki ang kakulangan sa qualified job candidates. Maraming in-demand na trabaho sa tech-voc na mataas ang sahod (Basahin: Filipina welder na kumikita ng P 70,000 kada buwan). Alamin muna kung anong mga tech-voc course ang pwede mong aralin para makahanap ng high-paying job.  

Tunay ngang hindi lang college ang garantisadong paraan para makahanap ng trabaho. Sa katunayan, mataas ang tsansa ng mga tech-voc graduate na ma-hire sa mga in-demand na trabaho. Minsan nga, mas mataas pa ang kinikita ng isang tech-voc graduate kaysa sa nakapagtapos ng college. Halimbawa, mas mataas ang sweldo ng mga heavy equipment operator sa construction company kaysa sa admin officer na nakapagtapos ng college.   

 

2. Hindi mo kailangang gumastos nang malaki para makapag-aral.  

Ang tech-voc ay isang mabilis at praktikal na paraan para maging qualified job candidate. 

Hindi gaya ng college na apat na taon ang tagal, ilang buwan lang ang kailangan mong ilaan sa tech-voc course. Dahil mas mabilis makapagtapos, bawas ang gastos mo sa tuition at iba pang gastusin!

Bukod dito, umaabot nang P145,000 kada taon ang tuition ng college sa mga pribadong eskwelahan. Samantalang P1,000-P10,000 lang ang tuition ng tech-voc courses sa mga TESDA-accredited center. Marami ring libreng kurso sa mga training center na ito at iba pang organisasyon, tulad ng YouthWorks PH

3. Pwede mong gawing “first choice” ang tech-voc course. 

May mga nag-iisip na ang tech-voc ay para lang sa mga hindi makapasok ng college. Lumalabas na “back-up plan” o “second choice” lang ang tech-voc. Sa katunayan, may mga estudyante na dumidiretso sa tech-voc dahil ito ang daan patungo sa kanilang dream job na nangangailangan ng specific skills at certifications. 

Habang nag-iisip ka ng iyong next steps after high school, magsimula ka sa tanong na, “Ano ang skills at interests ko?” Kapag nasagot mo ito, mas madali kang makakapagdesisyon kung college o tech-voc ang tamang landas para makamit ang iyong dream job.


Ang magandang kinabukasan ay hindi lang nakasalalay sa iyong tinapos. Mas importante ang pagpupursige mo para matutunan ang skills na kailangan para sa isang trabaho.  

Kung pangarap mong makahanap ng magandang trabaho at kumita nang malaki, maraming paraan para maabot ito maliban sa college. Tandaan, maraming oportunidad ang naghihintay sa tech-voc education and training.

Interesado ka na bang mag-tech-voc? Gusto mong makakuha ng certification para tumaas ang tsansa mong ma-hire? Kung ikaw ay 18-24 years old at hindi nag-aaral, nagta-trabaho, o nagte-training, mag-apply na sa YouthWorks PH

Sources: 

Mag-register na sa YouthWorks PH!  

 

Take care of your mental health

>
Generation Zen

How to Develop a Growth Mindset for the Future

7 min read
Dec 28, 2021
Like this post
>
Generation Zen

Does Hopefulness Still Matter in the Age of the Pandemic?

5 min read
Dec 21, 2021
Like this post
>
Generation Zen

5 Podcasts That Helped Me Through My Mental Health Struggles

10 min read
Dec 3, 2021
Like this post
>
Edukasyon's Guide To

Pediatric Vaccinations 101: How do you get vaccinated and why is it important?

5 min read
Nov 9, 2021
Like this post
>
Free Cut!

It’s Okay Not to be Okay: Songs You Should Listen to When You’re #Stressedt

7 min read
Nov 8, 2021
Like this post
>
Generation Zen

A Forest Call

1 min read
Oct 8, 2021
Like this post
>
Generation Zen

Time: Chronicles of Nurturing Nature

1 min read
Oct 8, 2021
Like this post
>
Generation Zen

BFF: Meet the friend you need to save

1 min read
Oct 8, 2021
Like this post
>
Generation Zen

Pagmimina

4 min read
Oct 7, 2021
Like this post
>
Generation Zen

When I woke up, it slowly fades

3 min read
Oct 7, 2021
Like this post
>
Generation Zen

Punla ng Buhay

11 min read
Oct 7, 2021
Like this post
>
Generation Zen

A Blissful Summer with Nature

8 min read
Oct 6, 2021
Like this post
View More Stories

Explore new paths

Career Guide

No need to cram! This is the fun kind.

Quests

Learn and earn rewards along the way!

Resources

Planning for college? Don’t worry, we gotchu!

What do you want to be when you grow up?

Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.

Need more info?

Send us a Message

Error