Handa Na Ba Ako? 5 Bagay Na Dapat Pag-isipan Bago Makipag-sex

“What matters to you is the most important thing…” (TeensHealth, 2018)

Sa panahong ito, patuloy na lumalaki ang impluwensya ng mga kaibigan, pop culture, at teknolohiya pagdating sa mga kilos at paniniwala natin na may kinalaman sa sex. Dahil sa laman ng internet at pressure ng mga kaibigan o boyfriend/girlfriend, maaaring may mga napipilitan na makipag-sex nang maaga kahit na hindi pa talaga sila handa. May iba naman na nakipag-sex lang dahil ayaw nilang matawag o matukso na “virgin”. Minsan din, hindi maiiwasan ang pagiging curious ng mga kabataan tungkol sa sex. 

At kahit na maituturing na normal na gawain ng tao ang pakikipag-sex, kasama pa rin sa mga pinakamahalagang pagdadaanan natin sa buhay ang pagdedesisyon kung kailan tayo magiging handa para makipag-sex. Dahil dito, kailangang maintindihan ng lahat ang ibig sabihin ng pakikipag-sex at kung paano malaman kung 100% handa na ang isang tao para sa “next step” na ito.  

Kung gusto mo nang pag-isipan ang sex, pero hindi ka pa sigurado kung saan magsisimula, subukang sagutin ang limang tanong na nasa ibaba. Pwede itong maging gabay sa proseso ng iyong pagdedesisyon.

1.) Alam mo na ba ang mga pwedeng maging epekto ng pakikipag-sex?

Kapag nakipag-sex ka, pwede kang mag-enjoy at makakuha ng pleasure. Mapapabuti rin nito ang intimacy ninyo ng iyong partner o boyfriend/girlfriend, at pwede rin lumalim ang inyong relasyon dahil sa sex. Pero minsan, pwede rin itong mauwi sa mga hindi inaasahang sitwasyon. Dapat alalahanin na kapag hindi mag-iingat, pwede kang mabuntis o makabuntis nang wala sa oras, at pwede ka ring makakuha ng nakakahawang sakit o sexually transmitted infections (STI). Para maiwasan ang mga epekto na ito, siguraduhin ang tamang paggamit ng contraceptives.

2.) Sigurado ka bang rerespetuhin ka ng iyong partner?

Sa casual o seryosong relasyon man, mabuting siguraduhin na rerespetuhin ka ng iyong partner kung saan nagiging tapat at bukas kayo sa isa’t isa at may panahong magsalita at makinig sa sa sasabihin ng bawat isa.  Kasama rin dito ang pagrespeto niya sa iyong pangangailangan at boundaries pagdating sa sex. Importante rin malaman kung may iba siyang kinakasama o karelasyon. Huwag kakalimutan o mahihiyang alamin ito, lalo na kung sa social media o mga dating application mo lang nakilala ang iyong partner. Tandaan na sa panahon ngayon, marami ang napapahamak dahil sa mga manloloko sa internet, kaya mas mabuti nang maging alerto.

3.) Sang-ayon ba sa iyong personal at religious beliefs ang pakikipag-sex?

Kung dalaga o binata ka pa lang pero mahalaga para sayo na magpakasal muna bago makipag-sex, o kung gusto mo munang maka-graduate, o kaya sa tingin mo ay masyado ka pang bata, huwag mong pipilitin ang sarili na makipag-sex agad-agad. Dahil dito, pwede mong maiwasan ang pagsisisi sa huli at hindi ka mapipilitang talikuran ang mga paniniwala mo sa buhay.

4.) Kaya niyo bang pag-usapan ng iyong partner ang sex nang walang malisya?

Kapag naririnig ang salitang “sex” o ang mga private parts ng babae at lalaki, hindi na dapat natatawa o nandidiri. Mas mabuti rin kung komportable at bukas kayong pag-usapan ang sex at kung anong klase ng contraceptives ang gusto niyong gamitin. Sa ganitong mga conversation, makikita niyo na pareho na kayong mature mag-isip pagdating sa mga importanteng bagay, tulad ng sex.

5.) Mutually consensual ba ito?

Dapat maging malinaw na pareho kayong pumapayag at handa para sa inyong gagawin. Kung hindi nagsabi ng “Oo” o hindi sumagot ang iyong partner, huwag mo siyang kukulitin; kapag biglang binawi ng iyong partner ang kanyang “Oo”, huwag mo siyang pipilitin o pupuwersahin na magpatuloy na makipag-sex sayo —maituturing itong sexual  harassment, assault, o rape. Magiging masaya lang ang pakikipag-sex kung mutually consensual ito at pareho kayong nag-eenjoy sa inyong ginagawa.

Importante rin na nasa tamang state of mind kayo para makapagbigay ng permiso sa isa’t isa. Ibig sabihin, dapat iwasang makipag-sex kapag naka-inom kayo ng alak o nakagamit ng droga, dahil nawawala ang inyong kakayahang makapag-isip nang maayos at maaari itong mauwi sa pagsisisi. 

Kung napag-isipan mo na ang limang tanong na ito at sumagot ka ng “Hindi” sa kahit na isa sa mga katanungan, o kaya ay nakakaramdam ka ng takot o pagdududa pagdating sa iyong mga kasagutan, ibig sabihin lang nito ay hindi ka pa talaga handa na makipag-sex. At okay lang ito.

Baka naisip mo na hindi pa ito ang tamang oras, o hindi mo pa nahahanap ang tamang partner para sa iyo, o kaya ay marami ka pang gustong malaman tungkol sa pakikipag-sex —ano man ang iyong dahilan, dapat tandaan na ang paghahanda para sa pakikipag-sex ay hindi isang contest o race. 

Hindi mo kailangang ikumpara ang iyong sarili sa ibang tao o magpadala sa pressure ng barkada mo/mga kabarkada mo o ng social media. Tandaan din na hindi mo kailangang magdesisyon agad-agad, lalo na kung gusto mo pa ng oras para mapag-isipan ang iyong sagot sa limang tanong na ito. Kahit anong mangyari, ikaw lang ang nagmamay-ari ng iyong katawan at ang tunay na nakakakilala sa iyong sarili, kaya pagdating sa mga desisyon tungkol sa pakikipag-sex, ikaw rin ang may karapatang magsabi kung talagang handa ka na. 

Sa lahat ng ito, huwag dapat kalimutan na walang masama sa paghihintay kung alam mong hindi ka pa handa, at wala ring masama sa pakikipag-sex kung sigurado kang hindi nito maaapektuhan ang karapatan, kalusugan, at kinabukasan ninyo ng iyong partner.

 

Take care of your mental health

>
Generation Zen

Students’ Guide to Flying with Singapore Airlines

4 min read
Feb 21, 2024
Like this post
>
Generation Zen

Students’ Guide to Flying with Singapore Airlines

4 min read
Feb 21, 2024
Like this post
>
Generation Zen

How to Ditch the Mindless Scroll and Have Fun on the Internet Instead

6 min read
Dec 22, 2023
Like this post
>
Generation Zen

5 Things You Can STILL Do Online Even in Your F2F Learning

5 min read
Dec 22, 2023
Like this post
>
Generation Zen

How To Channel Confidence This Back-to-School Season

3 min read
Aug 11, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Which Wellness Reminder Do You Need Today?

1 min read
May 25, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways To Deal With Face-To-Face Classes Anxiety

6 min read
Apr 22, 2022
Like this post
>
Generation Zen

3 Ways You Can Do a Wellness Check-In

4 min read
Apr 19, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Manifest Wellness in Your Life

11 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Dear Besties, Why Am I Not Feeling Well Today?

7 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Digital Learning

3 Ways Online Learning Has Made Us Better Students

5 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Positively Use the Internet in 2022

3 min read
Mar 18, 2022
Like this post
View More Stories
Explore new paths
Career Guide

No need to cram! This is the fun kind.

Quests

Learn and earn rewards along the way!

Resources

Planning for college? Don’t worry, we gotchu!

What do you want to be when you grow up?

Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.

Need more info?

Send us a Message

Error