How Can I Tell If I’m Experiencing Sexual & Gender-Based Violence?
What is sexual and gender-based violence and how can you prevent it from happening?
Content Warning: This article contain mentions of sexual violence and abuse.
Isa ang sexual at gender-based violence (SGBV) sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng madla—partikular sa mga kababaihan. Ayon sa statistics, higit 35% ng mga kababaihan worldwide ay nakaexperience na ng physical o sexual violence. Hindi exception ang Pilipinas dito. 1 sa 4 na Pilipina sa edad 15-49 ay nakaranas ng physical, emotional, or sexual violence. Ironically, lumaki ang kaso ng sexual violence sa kasagsagan ng pandemya kung saan nasa bahay lang ang mga tao—ang lugar na itinuturing ligtas sa outside word—at naitala na may 8 sexual assault victims at survivors bawat araw sa pagitan ng March hanggang May 2020. Kaya naman napaka-pervasive ng sexual and gender-based violence sa ating society, mapa-public o private setting man.
Ano nga ba ang sexual and gender-based violence? Ang SGBV ay kung ano mang aksyon na ginagawa laban sa kalooban/will ng isang tao. Hindi lamang sa physical, emotional, at psychological well-being ang naapektuhan kundi nagiging hadlang rin ito sa access sa iba’t ibang mga serbisyo. Ang SGBV ay nagmula sa unequal power relationships ng mga kalalakihan at kababaihan. At dahil tayo ay nabubuhay sa ilalim ng patriarchal society, hindi maipagkakaila na ang palaging nabibiktima ay mga babae. Gayunpaman, lahat ay susceptible sa ganitong klaseng violence, kabilang ang mga lalaki at miyembro ng mga LGBTQIA+ communities.
Tulad ng sakit, ang SGBV ay patuloy lang kumakalat kapag hindi ito binigyang pansin at tino-tolerate lamang. Sa article na ito, ibabahagi namin ang mga paraan kung paano makikita ang mga SGBV sa unang tingin, at kung paano mapo-protektahan ang iyong sarili.
1. Ito ay sexual violence kung non-consensual
There’s no such thing as “non-consensual” sex, it’s basically rape.
Ang rape ay nangyayari kapag may nakikipagtalik sa’yo kahit tumanggi ka. Para matawag itong “sex”, ang mga taong involved ay dapat may verbal at klarong pagpayag kapag ginagawa nila ang “deed”. ‘Pag walang explicit na pagpayag, ito ay rape.
Ang rape ay maaaring mangyari sa kahit kaninong kasarian o edad. Bukod sa mga kababaihan, ang mga miyembro ng LGBTQIA+ communities ay biktima rin ng SGBV. Malaking panganib sa sexual assault ang mga miyembro ng LGBTQ community dahil sa kanilang mataas na rates sa poverty, stigma, at marginalization. This is supported by the findings of CDC’s 2010 national study where the LGBTQIA+ community are said to suffer intimate partner and sexual violence more frequently than heterosexuals.
Tandaan: Anumang non-consensual oral, vaginal, o anal penetration ng isang tao gamit ang anumang bahagi ng katawan o instrumento ay itinuturing rape. Ang kawalan ng consent ay maaaring lumitaw dahil sa mental disability, unconsciousness, intoxication, alcohol, o dahil bata ang biktima. Ano man ang kalagayan mo, may relasyon ka man sa iyong abuser o wala, ang walang pahintulot ay katumbas ng panggagahasa.
2. Ito ay sexual violence pa rin kung ikaw ay minamanipula
NO means NO, but consent goes beyond that.
Ang sexual coercion ay maaaring mangyayari kapag may nagco-compel sa’yo makisali sa sexual activity gamit ang manipulative tactics kagaya ng pagbibigay ng compliments, gifts, at iba pa. Maaaring magmukhang positibo at walang malisya ang mga pressure na ito, ngunit gumagana siya para lituhin kang magsabi ng “oo.” As a result, you might think that it is consensual.
Mararamdaman mong mali siya. At tama ka diyan! Ang totoong consent ay binibigay ng walang coercion o persuasion. It is when a person voluntarily agrees to do something that another person wants. Kung ginawa mo lang ang isang bagay para hindi ka na kulitin o guluhin, hindi ka talaga nagbigay ng consent. Ang consent ay p’wedeng bawiin sa ano mang oras. Kapag biglang nagbago ang iyong isip, dapat lamang itong ihinto at hindi ipilit. Ang consent ay specific sa bawat sexual act. Kung nagbigay ka ng consent sa isang bagay, hindi ito nangangahulugan na pumayag ka sa ano man o lahat ng sexual activity.
Tandaan: Kahit kailan, walang kasalanan ang biktima ng sexual assault o rape. Ito ay kasalanan ng abuser.
3. Ang SGBV ay harassment
Sa patriarchal society na ito, ang pagsusuot ng shorts sa labas ay susceptible sa catcalling ng mga lalaki. Ang mas masahol pa diyan, ikaw pa ang sisisihin. Ang catcalling o ano mang unwanted sexual comments sa isang tao ay maituturing na sexual harassment—ano man ang iyong suot, kasarian o edad. Ang mga atakeng ganito ay parte ng tinatawag na “Assault Continuum,” mula sa mga maliliit na abala hanggang sa mga posibleng nakamamatay. Ang verbal, physical, sexual, and intimidatory assaults ay itinuturing offenses sa Assault Continuum. Kabilang dito ang lahat ng mga pag-atake tulad ng unwelcome sexual touching, threats, at iba pang sex-related behaviors na pwersahan or hindi konsenswal.
NOW YOU KNOW!
In this challenging world, a complete understanding of social problems like SGBV is vital to prevent it from happening to you and to other people around you. Ang paglikha ng mga safe spaces ay nagsisimula sa loob. Kung alam na natin paano tukuyin ang problema, mas madali tayong makakahingi ng tulong. Mas madaling sabihin kesa gawin, pero ang pagsasalita at paghihingi ng tulong ay ang mga bagay na makakaligtas sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay. Dapat rin tayong maging handa pakinggan ang mga boses na patuloy pinatatahimik. Ang mga patakaran ng estado ay importanteng salik upang protektahan ang mga victims of abuse at i-mitigate ang mga epekto nito sa kanilang well-being. Ang pagsuporta sa mga initiatives against SGBV at mass awareness ay dalawang paraan lamang para labanan ang SGBV at itaguyod ang mga safe space para sa lahat. Tulad ng sabi ni Thich Nhat Hanh, “Awareness is like the sun. When it shines on things, they are transformed.”
Edukasyon.ph and No means No Worldwide is dedicated to offering a secure environment for everyone. If you are experiencing sexual and gender-based violence in the home, school, or workplace, please dial 911 emergency hotline immediately. The Commission on Human Rights (CHR) has also launched an online system where people can report incidents of GBV.
Related Stuff
Take care of your mental health
Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.