How to Be a Teamplayer in a Workplace

6 min read

Dec 19, 2022

Bilang isang fresh grad na baguhan pa lang sa iba’t ibang trabaho, hindi naman maipagkakaila na mahirap maki “fit in” sa workplace, lalo na kung wala ka pang masyadong karanasan. Karamihan din sa ibang mga first-time jobbers ay mga fresh grad kaya naman ay sobra nila itong pinaghahandaan dahil dito na rin nagsisimula ang kanilang pag-excel at pag-discover sa iba’t ibang aspeto sa pagta-trabaho. 

Mahirap din naman mangapa kung ano ang mga dapat asahan at kailangang gawin lalo na kung first time jobber ka at wala kang idea kung paano nga ba magtrabaho at gawin ang mga bagay-bagay sa workplace. Kahit gaano pa tayo kahanda magsimula sa bagong workplace natin, hindi pa rin natin maiiwasan kabahan dahil na rin sa expectations at pressure. So, ano nga ba ang dapat gawin? Makipagsundo sa mga katrabaho ko? Kaya ko bang gawin ng maayos ang mga ipapagawa sa akin? 

Ang mga ganitong tanong ay hindi talaga maiiwasan. Palaging kaakibat yan sa lahat ng bagay. Kaya naman sa article na ito, ilalatag natin ang mga key skills na magiging paalala para sa lahat ng naguumpisa sa kanilang trabaho. Isa ka man sa mga naga-apply pa lamang, working student, o college graduate na! 

For starters, ang apat na ito ang maaaring pakatandaan sa iyong bagong workplace: 

1. Understanding the scope of your team 

Hindi ka papasok sa trabaho para magtrabaho lamang ng magisa dahil sa bawat workplace, makakahalubilo at makakatrabaho mo rin lahat ng tao at hindi lang ito mangyayari ng isang beses. Kaya bago ang lahat, matutong umunawa nang lubusan sa mga mga eksaktong bagay o proyekto na kailangan mong trabahuin kasama ang iyong bagong team. Tanungin ang sarili kung naiintindihan mo lahat nang maigi para maiwasan ang mga posibleng conflicts na mangyari. Tandaan: Walang masama sa pagtatanong lalo na kung hindi mo ito naiintindihan nang maayos. It’s always better to ask than to raise assumptions at work! Ugaliing i-confirm ang instructions sa pamamagitan ng pag-ulit o feedback. Mas makakatulong ang pagsunod sa malinaw na instructions bago magsimula para maiwasang masayang ang oras o mga supplies dahil sa hindi tamang akala.

Mahalaga din ang pagbibigay ng pag-unawa sa bawat saklaw sa trabaho dahil dito na masusukat ang pagkakaroon ng open communication kasama ang workmates mo at ang iyong pagiging proactive lalo na pagdating sa training ng specialized skills at sa ibang importanteng diskusyon kasama ang iyong team. 

2. Owning your role and responsibilities

Work responsibility is essential. Importante ang pagiging responsable sa trabaho lalo na kung bago ka pa lang at hindi ka pa gaanong sanay sa isang professional setting. Ang work ethics mo ang magsisilbing katuwang mo sa iyong trabaho. Dito makikita kung paano ka maging isang valuable employee sa pamamagitan ng iyong professionalism at leadership sa pagta-trabaho. You also have to ensure your focus on completing your job role!

Sa bawat trabaho na gagawin mo, kailangan mong tandaan na kailangan mo maging accountable. Hindi lang ang pangalan mo ang dala-dala mo sa trabaho, kundi pati na rin ang pinapasukan mo. Tandaan na ang accountability ay hindi lang para sa better version ng sarili mo pero matutulungan ka rin nitong mag-improve sa iyong trabaho, maka-establish ng stable at better relationship kasama ang iyong mga colleagues, at makatulong sa empowerment at effective na teamwork na magkakasama. 

You have to be committed to your work while also maintaining a good relationship with your workmates. 

3. Working as a team member

Teamwork brings everyone together kaya kailangan mo rin makipagtulungan sa iba mong katrabaho. Bakit nga ba ito importante? Ang pagiging team member ng isang employee ay hindi lang nakakatulong sa pagpapadali at pagpapabilis ng workload. Ito rin ay mas lalong nakakapagpa-motivate ng bawat isa at nakakapagpa-bawas stress na rin.

Bukod dito, nahihikayat din nito ang bawat employee na pagtuunan ng pansin ang kanilang personal growth at development sa trabaho na isa sa pinaka-importanteng bagay na pwedeng makuha kahit nasaan ka man. Bilang isang team member, kailangan mo malaman ang iyong weaknesses at strengths para alam mo kung anu-ano ang mga capabilities at skills na kaya mong i-offer at i-enhance along the way. 

Lahat tayo ay may kanya-kanyang weaknesses, strengths at mga areas sa ating sarili na kailangang i-improve o i-develop. Pero, what will make you a great team player ay ang abilidad mong mag-focus sa iyong strengths: Mapa-soft o hard skills man ito. 

4. Gender and cultural sensitivity

Laganap pa rin ang stereotyping sa iba’t ibang trabaho, so what you can do is understand and acknowledge these relevant aspects kahit nagta-trabaho ka. Iba’t ibang tao ang iyong makakasalamuha at ang pagkakaroon ng gender and cultural sensitivity ay higit na importante dahil men, women, and those outside the 2 biological sex think differently. 

May kanya-kanyang tayong perspectives sa iba’t ibang bagay kaya, kailangan natin matuto maging open sa lahat ng ating mga mae-encounter. Kailangan natin bigyan ng pansin ang magkakaibang sitwasyon at pangangailangan ng mga tao, lalo na sa mga kababaihan. Kung hindi natin ito pagbibigyan ng pansin, maaari itong makaapekto sa pagtatrabaho lalo na sa ability ng bawat isa na makipag-communicate nang maayos kasama ang iba’t iba nating colleagues. 

Ingatan natin ang paggamit ng mga salita na nagpapahiwatig ng pag ka walang galang sa ating kapwa—lalo na ang ating kasamahan na iba ang sexual orientation at gender identity o parte ng LGBTQIA+ community. Iwasan natin ang “stereotyping,” bagkus tayo ay magpahalaga sa bawat kakayahan ng ating mga kasamahan, walang anuman sa kanilang race, gender, ethnicity, religion, abilities, age, at sexual orientation.

Kung anuman ang kanilang gender o culture, kailangan iparamdam natin sa kanila ang inclusion lalo na sa pagbibigay ng equal opportunities, especially in participating to every work force, operations, and leadership among many other things. 

Marami pang kailangang matutunan sa isang industry o workplace bilang mga first time jobbers pero hindi ito nagtatapos dito! Mahalaga maging isang mabuting team player dahil binibigyan tayo nito ng daan na makatrabaho ng madaliin at patuloy makipagtulungan sa iba patungo sa isang layunin.

Hindi kailanman magiging hadlang ang kakulangan sa iyong kapabilidad o iyong edad at SOGIESC (sexual orientation, gender identity, gender expression and sex characteristics) sa pagtra-trabaho at paga-apply sa mga posibleng careers o pagiging self-employed pagdating ng panahon. So, you do you and let these key skills flourish and intensify your capabilities to learn and work.

 

Take care of your mental health

>
Generation Zen

How To Channel Confidence This Back-to-School Season

3 min read
Aug 11, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Which Wellness Reminder Do You Need Today?

1 min read
May 25, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways To Deal With Face-To-Face Classes Anxiety

6 min read
Apr 22, 2022
Like this post
>
Generation Zen

3 Ways You Can Do a Wellness Check-In

4 min read
Apr 19, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Manifest Wellness in Your Life

11 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Dear Besties, Why Am I Not Feeling Well Today?

7 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Digital Learning

3 Ways Online Learning Has Made Us Better Students

5 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Positively Use the Internet in 2022

3 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Too much internet? 5 Signs You Might Need an Online Break

7 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Movies And Shows You Need To Watch Based On Your SHS Strand

8 min read
Feb 17, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Virtual Internship Experience with the Besties

8 min read
Jan 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

How to Develop a Growth Mindset for the Future

7 min read
Dec 28, 2021
Like this post
View More Stories
Explore new paths
Career Guide

No need to cram! This is the fun kind.

Quests

Learn and earn rewards along the way!

Resources

Planning for college? Don’t worry, we gotchu!

What do you want to be when you grow up?

Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.

Need more info?

Send us a Message

Error