THE VISION BOARD

5 Ways to be Empowered in the Tech-Voc Strand

Be empowered as you journey through tech-voc!

Napaka-inspiring ng mga kababaihan na pinipili ang kanilang passion sa tech-voc at nagpupursigi. Ngunit minsan, may mga pagkakataon talaga na hindi natin araw. Kaya narito ang limang paraan kung paano maging empowered sa tech-voc journey mo. Ang mga insights na ito ay galing sa panayam namin kay Kristina, isang Grade 11 student mula sa FIRST College at kumukuha ng strand na EPAS NCII. Dito, na-share niya kung paano niya binibigyang halaga ang pagpursigi niya ng tech-voc at maging empowered.

1. Mentally prepare yourself.

Mag-research muna kung anong tech voc strand or skills ang gusto mong matutunan. Tanungin ang sarili kung anong ine-expect mo mula sa iyong training, at mag-prepare mentally para sa mabilis na learning environment sa tech-voc.

Ayon kay Kristina: “Nag-research po ako before pumasok sa tech-voc track but kulang po ‘yung information na nakuha ko so sabi ko sa sarili ko ‘If there’s something that I have to prepare, then I have to prepare myself.’” Dagdag pa niya, ang tech-voc track ay diverse—hindi lang sa pag-aaral ng mga subjects ka dapat magaling, kailangan din mag-excel sa mga workshops kung saan doon tinuturo ang mga real-world and hands-on skills that you can use when you work.

2. Believe that your hard work will make the dream work.

Ika-nga, “Magtanim ay ‘di biro”, but it will pay off in the future! Maraming employers ang nagbibigay halaga sa technical skills na nabibigay ng tech voc graduates.

Isa sa nag-encourage kay Kristina na kunin ang EPAS NCII tech-voc track ay ang employment opportunities na mabibigay nito sa kanya in the future. “Naging interested po ako sa tech-voc track dahil nalaman ko po na after senior high school pwede na po kaming magtrabaho if ever pipiliin naming magtrabaho agad at hindi na tumuloy ng college.”

3. Don’t mind the naysayers.

Marami pa ring naniniwala sa stereotypical na pag-iisip na ang tech voc ay para sa lalaki lamang at walang kakayahan ang mga babae sa trabahong ito. Ngunit hindi nila alam na kaya ng babae! Sabi ni Anne, “Hindi po basehan ang kasarian sa pag-excel sa isang track, lalung-lalo na sa EPAS. Iisipin ng iba na mahirap and mga lalake lang ang may kaya ‘nun pero through my experience, I don’t think it’s that hard kasi kayang kaya ko naman po, nadadalian nga po ako eh. So huwag po nilang imaliit ang kakayahan ng kababaihan.” 

Bukod pa diyan, hindi rin maikukumpara ang halaga ng skills and growth na napo-provide ng isang tech-voc training. Ayon kay Kristina, nakita niya ang halaga ng tech-voc track dahil ito ay magbibigay sa kanya ng edge in the future, pag siya ay nag-apply ng trabaho. 

“Alam ko po kasi na kapag mag-a-apply ka ng trabaho, isa sa tanong ay kung meron ka na bang experience sa pagttrabaho and I took into consideration din po na kailangan ko ng experience para ma-hire agad ako sa mga pag-aaplyan ko in the future. Nalaman ko din po ang benefits and advantages kagaya po ng mga skills na matututunan, yung mga activities na tinuturo ng school na alam kong gagawin namin in real-time sa company.”

So keep doing you, and let your future success speak for itself!

4. Remember that you always have a support system to lean on.

Napaka-specific and skills-based ng tech-voc, kaya minsan ay pressured ang mga tech-voc students na pagbutihan ang kanilang mga training at immersions. Ika-nga ni Kristina, “Hindi biro ‘yung kailangan naming gawin. Sa workshop pa lang, nakikita at na-experience ko na hands-on po talaga ang mga instructors namin and walang iniiwan na maliliit na details.” Sa mga panahong nahihirapan ka, huwag kalimutan na may mga magulang, kaibigan, at support system ka na pwedeng kausapin or hingan ng suporta. Laging tandaan na handa silang magbigay ng gabay at suporta sa iyo. Remember them during the tough times and ask for help when needed!

5. Find the right school for you.

Ang maayos na tech-voc school ay hindi lang nag-e-equip sa’yo skills-wise, sinusuportahan din nito ang iyong mental health, interpersonal na kasanayan, at ang buhay mo pagkatapos ng training. Nabanggit ni Kristina sa aming panayam na namangha siya sa First College dahil napagtuunan nito ng pansin ang mental health ng mga estudyante. “Super happy po ako with First College kasi sa iba po hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ang mental health ng students, and kapag po TVL student ka, I think sobrang common nung stress kasi nag-aaral ka and at the same time magttrabaho ka, so pagtutuunan mo ‘yun ng pansin parehas. So nag-offer po sila ng free consultation sa mga students na nags-struggle mag cope up sa pag-aaral and sa pagttrabaho.”

At bukod sa mental health support, para mag-flourish ang mga kababaihan sa tech voc, kailangan din ng maayos na environment at sapat na kagamitan sa training centers. Gaya ni Kristina na nadiskubrihan ang tech-voc track dahil sa kanyang pinsan na nag-aral sa First College, “nalaman ko sa mga kwento niya na ang daming magandang facilities, teachers, at quality ng education. At [interesado din ako sa] immersion program na ino-offer ng First College at kung paano hindi ka mahihirapan maghanap ng company na pag-iimersionan mo.” So keep this in mind when finding your tech-voc school!

 

Take care of your mental health

>
Generation Zen

How To Channel Confidence This Back-to-School Season

3 min read
Aug 11, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Which Wellness Reminder Do You Need Today?

1 min read
May 25, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways To Deal With Face-To-Face Classes Anxiety

6 min read
Apr 22, 2022
Like this post
>
Generation Zen

3 Ways You Can Do a Wellness Check-In

4 min read
Apr 19, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Manifest Wellness in Your Life

11 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Dear Besties, Why Am I Not Feeling Well Today?

7 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Generation Zen

3 Ways Online Learning Has Made Us Better Students

5 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Positively Use the Internet in 2022

3 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Too much internet? 5 Signs You Might Need an Online Break

7 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Movies And Shows You Need To Watch Based On Your SHS Strand

8 min read
Feb 17, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Virtual Internship Experience with the Besties

8 min read
Jan 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

How to Develop a Growth Mindset for the Future

7 min read
Dec 28, 2021
Like this post
View More Stories
Explore new paths
Career Guide

No need to cram! This is the fun kind.

Quests

Learn and earn rewards along the way!

Resources

Planning for college? Don’t worry, we gotchu!

What do you want to be when you grow up?

Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.

Need more info?

Send us a Message

Error