No Means No: How to Say a Strong and Resounding NO to Protect Yourself From Harm
Protect yourself from harm by being assertive with your No’s!
Content Warning: This article contains mentions of violence and abuse.
Karapatan ng lahat ng tao mamuhay sa isang ligtas na kapaligiran. Kaya ito ang dahilan kung bakit nais namin sa Edukasyon.ph maturuan kayo ng mga empowerment self-defense basics para alam niyo rin kung paano ipagtatanggol ang sarili niyo (at ang iba) mula sa paparating na pinsala.
Sa article na ito, pag-uusapan natin kung paano i-assert ang sarili at mag “NO!” ng malakas at matatag para sa mga sitwasyong nag-e-escalate at kailangan mong maging assertive. Sana pagkatapos ng article na ito, mas magkakaroon kayo ng kaalaman kung paano maging assertive sa potentially dangerous situations at magkaroon ng arsenal of techniques na p’wedeng gamitin kapag nandyan kayo sa sitwasyong iyan. Basahin dito!
Weak vs. Strong No
Mahalaga kung paano mo sasabihin ang “no.” Ang mahinang “no” ay kung ikaw ay mahiyain, tahimik, or hindi nag-eye contact. Ang pagsasabi ng mahinang “no” ay maaaring magmukhang meek o hindi sigurado kaya baka hindi ito respetuhin ng ibang tao at isipin nilang hindi mo ito lubos na ibig sabihin.
Ang malakas na “no” ay kung ikaw ay klaro, confident, at tapat. Ang iyong boses ay matatag at ang iyong body language ay malakas—calm, neutral, and clear. Ang pagsasabi ng malakas na “no” ay nagpapahiwatig sa ibang tao na seryoso ka sa iyong sinasabi. Kinokomunika din nito sa attacker na ikaw ay alerto at hindi matitinag sa kanya.
Para sa mga babaeng kasing edad mo, baka natatakot kayong magsabi ng assertive na “no” sa isang tao. Maaari kang na-kondisyon ng ating konserbatibong kultura na ang mga babae ay dapat “lady-like,” palaging courteous at polite—kahit sa mga mapanganib na sitwasyon. Panahon na para i-unlearn ‘yan!
How to Say an Assertive “No”
One word: practice. Sa susunod na may itatanong or hihingin ang kaibigan mo, katulad ng pag-aya sa isang restaurant na ‘di mo naman gusto—sabihin mo “no.” Kapag ang iyong kapatid ay nagyayang lumipat ng upuan sa dinner table, sabihin mo “no.” Kapag sinabihan ka ng romantic partner mo na halikan o yakapin mo siya sa public kahit na hindi ka naman komportable or na-caught off guard ka, sabihin mo “no” and mean it. Ang pagpa-practice ng pagsasabi ng malakas at matatag na “no” kahit sa mga simpleng sitwasyon practices your “no” muscle.
Gayunpaman, kapag ikaw ay nasa uncompromising situation, alamin na hindi ito laging nangyayari. Maaaring mag-kick in ang adrenaline o takot at baka magpanic ka at makalimutan mo itong mga natutunan mo ngayon. Tandaan lamang na ikaw ay ABLE—”anything that you say, do, or believe for the sake of your safety is valid and true.” Sa mga mapanganib na sitwasyon kung saan ang iyong safety ay at risk, maaaring isipin mo na ang pag-angal o pagsabi ng malakas na “NO!” ay disrespectful o bastos—pero kalimutan mo ‘yan! Your safety is the top priority here.
Panghuli, ‘wag ka matakot humingi ng support sa mga kaibigan at pamilya mo sa iyong pag-aaral ng mga empowerment self-defense skills. P’wede mo silang yayain para mag-engage sa isang role play kung saan pwede mo silang i-assign kung sino ‘yung attacker at kung sino ang biktima (and vice versa). Sa ganitong paraan, hindi lang ikaw ang natututo ng self-defense basics, pati na rin sila!
No means no! Hindi mahalaga kung ito ay mahinang “no” o matatag na “no.” “No” always means no. May mga taong hindi makikinig sa “no” mo at hindi igagalang ito. Kung may taong hindi nagpapakita ng respeto sa iyong “no,” ito ay warning sign na baka sila ay mapanganib na tao at kailangan mong lumayo sa kanila. (Yes, kahit na friends or ka-relasyon mo sila.)
Ipasa mo ito sa mga kaibigan at pamilya mo na sa tingin mong kailangan nilang i-practice ang kanilang assertive na “no” upang maprotektahan nila ang sarili nila sa isang harmful at threatening situations. Maging alerto at ligtas always, bestie!
Edukasyon.ph and No means No Worldwide is dedicated to offering a secure environment for everyone. If you are experiencing sexual and gender-based violence in the home, school, or workplace, please dial 911 emergency hotline immediately. The Commission on Human Rights (CHR) has also launched an online system where people can report incidents of GBV.
Related Stuff
Take care of your mental health
Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.