Pushing Back Prejudice: A Male Student’s Reflections on a Hospitality Career

Para kay Karol John Malig – KJ, for short – walang masyadong pagkakaiba ang tech-voc track sa Bachelor’s degree. Ang importante, hindi lang sa pag-aaral nito kundi sa mismong pagtatrabaho na din, ay maging open-minded at flexible sa kung anong kinakaharap na mga pagbabago.

Pagkatapos ng dalawang taon, si KJ ay graduating student na ng Hospitality and Restaurant Services (HRS) sa Parañaque City College. Banggit niya nung inaalala ang mga unang araw niya ng pagpasok na wala siyang masyadong expectations. Ang nasa isip lang niya noon ay magkaroon ng dagdag-kaalaman sa kaniyang interes sa hospitality industry. Mula ‘don, naging maigi lang siya sa pagtanggap ng lectures, feedback, at iba’t ibang responsibilidad. 

“Nanggaling ako sa private school tapos mag-aaral ako bigla sa public school. Diba parang may culture shock tapos parang ano — okay tatanggapin ko na ‘to na gan’to,” sabay bahagi na ang pinakanag-stand out sa pag-aaral niya ng tech-voc ay ang mga nakukuha niyang feedback sa kaniyang mga classmates. Bilang pinakamatanda sa kaniyang klase, natatawa na lang siya na nagiging factor ang edad sa pakikitungo ng mga classmates niya sa kaniya. Pero para kay KJ, oportunidad din ito para maging bukas sa leadership.

“Ako naglelead lagi tas feeling ko it’s a bad thing, kasi di nila nasho-showcase yung gusto nila. Pero ginagawa ko na lang part ko. Di mo mapipigilan na may pupuna sa ‘yo, pero sa ‘kin, ayun na lang ang ginagawa kong inspiration tsaka motivation,” sabay tawa niya sa nasabi niya, “Pero welcome naman ako sa kanila, at welcome naman sila sa ‘kin.”

Nagsimula na si KJ na pasukin ang iba’t-ibang kumpanya at negosyo bago pa siya kumuha ng HRS. Nag-trabaho siya sa Burger King, nag-freelance writing, at ngayon, transcribing sa BIR ang pinagkakaabalahan nya. Why he pursued tech-voc despite being aware of the judgments around it, KJ himself was well-aware na hindi dapat ibang tao ang magdidikta kung paano mo mapapalago ang career mo.

“Ito yung best realization: Kapag magwo-work ka na, it doesn’t matter kung ano course mo eh. For example, kahit may experience na hindi related sa ina-apply-an, tatanggapin ka naman ng employer eh kasi ite-train ka nila,” diin ni KJ. “Para sa akin lang, ang best na gawin mo sa work, wag ka lang umabsent at wag kang ma-late. ‘Yun lang ‘yung principle eh, at gawin mo lang nang tama ang work mo. Kahit ano pang rules ng company, basta ginawa mo ang tatlong bagay na ‘yon.” Aniya, mainam na palakasin ang loob kapag naghahanap ng experience lalo na’t may mga bukas tumulong. At totoo din ito sa pag-aaral pa lang ng tech-voc. “Syempre may mga trials din na masasabi mong nahihirapan ka. Siguro ako sa pagle-lead, kasi may mga classmate ako na kahit anong gawin mong reach out, di mo na talaga sila mareach. Yung parang sinukuan na nila sarili nila tas ikaw di ka pa sumusuko sa kanila.”

Parte ng work ethic ang pakikitungo hindi lang sa mga requirements ng kumpanya pero pati na rin sa pakikitungo sa mga ka-trabaho. Wala man siyang first-hand experience ng diskriminasyon, aware si KJ na nangyayari ito sa iba’t ibang eskwelahan at workplace. “May mga tao na na open sa gender equality, sa LGBTQ+, pero may iba na ‘di pa rin. Di mo maririnig pero mapapansin mo sa mga tao na pagtitinginan siya tas pinagtatawanan siya pero wala ka namang maririnig na comment. Pero nakaka-offend ‘yon, ‘di ba?”

Sa likod ng napapansin ni KJ, banggit din ng Asia Society Philippines na meron ding diskriminasyon sa porma ng harassment o ang ‘di pagtanggap ng applicants based sa kanilang gender. Mukhang marami-rami pa ang hahabulin ng mga workplace sa Pilipinas sa pagiging “SOGIE-inclusive” (Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression). Ito rin ang sabi ng United Nations Development Programme (UNDP) kung saan sa kanilang research, nakita nila na “LGBTI people hide their SOGIE in the workplace, feel less satisfied with their job, are more likely to consider leaving the organization, because of the discrimination they experience.”

Pansin ni KJ na mayroon na from LGBT community na nagiging managers at department heads ngayon at tumango siya sa kanilang determinasyon. “Siguro nakuha nila ‘yon kasi they earned it talaga. Ibig sabihin kinaya nila.” Isa sa inaabangan ni KJ ang maging ligtas ang workplace para sa mga SOGIE-diverse na empleyado, kasama na ang mga nasa hospitality industry. Walang rason para ibukod ang kababaihan at LGBT na mag-aaral at trabahador kung sila naman ay equally competent.

Paano nga ba mas maging bukas at mapalawak ang perspective ng isang tao tungkol sa mga ganito? 

Siguro ito ang isang kakapulutan ng advice mula kay KJ: mag-explore. Bilang isang HRS student, sabi niya na para sa magaling na pagluto, kailangan pamilyar ka sa iba’t-ibang lasa. “Kailangan mo mag-travel para ma-explore mo yung mga flavors,” dagdag din niya. At sana ganito ding open-mindedness ang maging saloobin ng mga employers sa pagtanggap ng bagong henerasyon ng applicants, at ganitong open-mindedness ang alagaan ng tech-voc students sa career na bubuuin nila.

 

Take care of your mental health

>
Generation Zen

Students’ Guide to Flying with Singapore Airlines

4 min read
Feb 21, 2024
Like this post
>
Generation Zen

Students’ Guide to Flying with Singapore Airlines

4 min read
Feb 21, 2024
Like this post
>
Generation Zen

How to Ditch the Mindless Scroll and Have Fun on the Internet Instead

6 min read
Dec 22, 2023
Like this post
>
Generation Zen

5 Things You Can STILL Do Online Even in Your F2F Learning

5 min read
Dec 22, 2023
Like this post
>
Generation Zen

How To Channel Confidence This Back-to-School Season

3 min read
Aug 11, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Which Wellness Reminder Do You Need Today?

1 min read
May 25, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways To Deal With Face-To-Face Classes Anxiety

6 min read
Apr 22, 2022
Like this post
>
Generation Zen

3 Ways You Can Do a Wellness Check-In

4 min read
Apr 19, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Manifest Wellness in Your Life

11 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Dear Besties, Why Am I Not Feeling Well Today?

7 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Digital Learning

3 Ways Online Learning Has Made Us Better Students

5 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Positively Use the Internet in 2022

3 min read
Mar 18, 2022
Like this post
View More Stories
Explore new paths
Career Guide

No need to cram! This is the fun kind.

Quests

Learn and earn rewards along the way!

Resources

Planning for college? Don’t worry, we gotchu!

What do you want to be when you grow up?

Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.

Need more info?

Send us a Message

Error