Tips to Improve Your Communication Skills in a Tech-Voc Job

6 min read

Dec 19, 2022

Imagine-in mo ang mga trabahong ginagawa ng Tech-Voc graduates. Ano ang sumasagi sa isipan mo? Siguro mga kasangkapan katulad ng screwdriver, martilyo, o mga kagamitan katulad ng  drill o electric saw. Kung IT workplace naman ang iniisip mo, pwede ring mga empleyado na nagta-type sa computer, nag-a-ayos ng CPU, o nagco-connect ng mga LAN cables. Some think working a Tech-Voc job is all about tinkering with equipment using those hard-earned skills you learned in school. It goes beyond that! 

Ang hard skills ay ang mga kaalaman na kinakailangan upang gawin ang iyong trabaho. Sa kabilang banda, ang soft skills naman ay ang mga personal na katangian na nakakaapekto kung paano ka magtrabaho at makihalubilo sa iyong mga kasamahan sa trabaho. Ang pagkakaroon ng mainam na soft skills ay makakatulong upang umunlad sa iyong trabaho dahil ang pagtatrabaho sa Tech-Voc ay ‘di lang tungkol sa pagkakaroon ng hard skills kundi soft skills din!

Isa sa mga mahahalagang soft skills na kinakailangan ngayon upang makipagsabayan sa iyong Tech-Voc job ay ang pagkakaroon ng communication skills. Truth be told, just like with relationships, it requires a lot of communication. Hindi lang maayos na komunikasyon ang hanap kundi ang mahusay at mabisang komunikasyon! Siyempre, dapat mong malaman kung paano makipag-usap sa iyong mga kasamahan at manager para malaman mo kung nasa tamang landas ka ba sa trabaho. Ang pagkakaroon ng soft skills ay magbibigay-daan sa iyong career performance. At hindi lang ‘yan! Makakatulong din ito na pagandahin ang work environment at maiwasan ang mga pagkakamali habang nagtra-trabaho. As they say, with great communication, everybody is happy.

Pero ang galing sa communication ay nadedevelop with proper training and attitude. Kaya lang minsan ay nakafocus tayo sa pagaaral ng technical skills at nakakaligtaan natin ang paghanda sa ating communicating competency sa trabaho. Paano ko eksaktong ipapaalam sa aking manager ang aking progress? Paano ko mabisang sasabihin sa aking mga kasamahan ang tungkol sa aking mga pangangailangan? Aba, nakakalito! Pero huwag kang matakot dahil sa article na ito, tuturan ka namin kung paano mahahasa ang iyong communication skills sa isang Tech-Voc job. 

Understanding and conveying information

Bago ang lahat, ang unang communication skill na dapat mong pagbutihin ay ang abilidad na mabisang maunawaan at maihatid ang mga impormasyon. Hindi sapat na maintindihan lang—dapat naiintindihan mo ang mga impormasyon nang mabuti. One helpful way to achieve this is through active note taking and listening intently. Jot down the most important keywords na sa tingin mo ay kakailanganin mong balikan—siguraduhin mo na lagi kang may dalang notebook at ballpen para hindi mo malimutan! 

At kung ikaw naman ang magbabahagi ng impormasyon, siguraduhing malinaw ka sa iyong mensahe. Tandaan, ang pagbabahagi ng impormasyon ay hindi lamang ginagawa para maihatid lang siya sa isang tao: Kailangan maintindihan ka rin. Kung hindi, baka mali ang pagkakaintindi sayo o mas malala pa, baka ma-misinterpret ang iyong sinabi. Kaya, dahan-dahan lamang sa pananalita at i-akma ang iyong body language at iba pang non-verbal cues na maaaring maging dahilan kung bakit hindi ka maunawaan. 

Alam mo ba na iba ang communication style ng kababaihan sa kalalakihan? Ayon sa research, ang mga kalalakihan ay mas kadalasang gumagamit ng “report talk” o ang pagiging direkta sa nais nilang ipahayag, habang ang mga kababaihan ay mas kadalasang gumamit ng  “rapport talk” o ang pagnanais na bumuo ng relasyon sa mga kasamahan habang linulutas ang problema. Understanding these differences will allow you to navigate workplace communication with ease.

Lastly, remember that less is more—in a very busy Tech-Voc workplace, you should respect the time of other people. 

Participating in meetings or discussions

Tinawagan ka ng manager mo para sa isang meeting—anong gagawin mo? 

The best way you can be the best version of yourself during meetings is to be the person who asks questions. Ang buhay ay puno ng mga katanungan kaya huwag na huwag kang mahihiya magtanong—lalo na kung sa tingin mo ay may nakaligtaan kang mahalagang impormasyon, o kaya na naman may hindi ka naintindihan. Carrying this mindset of openness with you at all times will allow you to learn more, as it will enable you to get clearer and better answers.

At huwag isipin na nakakahiya ito. Normal magtanong! Maaaring pahalagahan ito ng iyong manager dahil ipinapakita lang nito na ikaw ay matulungin at aktibong nakikilahok!

Reporting and giving feedback

Ngayon na alam mo kung paano maintindihan at makibahagi ang impormasyon at lumahok sa mga meeting, oras na para pagusapan kung paano mag-ulat nangg epektibo. 

Bata pa man tayo, parte na ng ating pag-aaral ang pagbabahagi sa iba ng mga impormasyon na ating natutunan o nalalaman. Pero, paano nga ba natin masisiguro na maihahatid natin sa ating audience ang mensahe na nais nating iparating? The secret is in the preparation!

Mainam na gumawa ng outline ng mga punto na kailangan mong talakayin upang masiguro na wala kang makaliligtaan. Pwedeng gumamit ng old-school staples kagaya ng index card o mga piraso ng papel para ayusin ang iyong mga iniisip. Tandaan, sikaping maging concise para hindi maguluhan ang mga nakikinig. Magandang ideya rin ang pag-praktis ng magiging daloy ng iyong presentasyon. Siyempre, daig ng maagap ang taong masipag kaya ugaliing maghanda. Work smarter, not harder. Kung sakaling may magtanong, alam mong may maisasagot ka.

Also, ensure to be factual when making feedback. Make use of objective facts to back up your claims than providing whatever opinion you have out of pocket. 

Following instructions (procedures) correctly 

Working in Tech-Voc entails following a lot of instructions from your manager or your client. Kaya dapat lamang na organisado ka pagdating sa mga instructions. Ugaliing basahin o makinig nang mabuti tuwing inilalatag ang mga panuto. Use a mini journal or sticky notes to take note of important details you should not miss out on. (Tanda mo ba ang aming tip sa pagdadala ng notebook at ballpen kahit saan ka pumunta?)

Kapag merong hindi malinaw, itanong mo na ito agad sa kinauukulan. Sa ganitong paraan, hindi ka magkakamali at sa katunayan, makakatipid ka ng oras. Siyempre, ayaw mo na masayang lahat ng pinagpaguran mo dahil mali pala ang iyong pinagpaguran sa simula pa lang! Tignan mo ang Food and Beverage Service industry: Kapag kumukuha ka ng orders bilang isang server, kailangan linawin mo ang instructions at mga pangangailangan ng customer para epektibong maiibigay mo ang gusto nila! Kagaya ng sinabi namin kanina, walang masama sa pagtatanong. Malay mo, baka mayroong preferences ang customer kagaya ng pagiging vegetarian o kaya meron silang allergies na kailangan bigyan ng pansin. 

At isa pa, humingi ng feedback! Subukang ulitin sa iyong manager, kliyente, o katrabaho ang panuto, sa iyong pagkakaintindi nang masiguro na nasa parehas kayo ng pahina.

Ito ay ilan sa mga basic tips at tricks para mapabuti ang iyong communication skills. Habang nagpapatuloy ka sa iyong Tech-Voc job, malalaman mo kung ano ang gumagana at kung ano ang hindi gumagana para sa iyo. Siyempre, iba-iba naman ang ating paraan ng pakikisalamuha. Once you’ve mastered what works for you, you will be unstoppable in your Tech-Voc career!

 

Take care of your mental health

>
Generation Zen

Students’ Guide to Flying with Singapore Airlines

4 min read
Feb 21, 2024
Like this post
>
Generation Zen

Students’ Guide to Flying with Singapore Airlines

4 min read
Feb 21, 2024
Like this post
>
Generation Zen

How to Ditch the Mindless Scroll and Have Fun on the Internet Instead

6 min read
Dec 22, 2023
Like this post
>
Generation Zen

5 Things You Can STILL Do Online Even in Your F2F Learning

5 min read
Dec 22, 2023
Like this post
>
Generation Zen

How To Channel Confidence This Back-to-School Season

3 min read
Aug 11, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Which Wellness Reminder Do You Need Today?

1 min read
May 25, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways To Deal With Face-To-Face Classes Anxiety

6 min read
Apr 22, 2022
Like this post
>
Generation Zen

3 Ways You Can Do a Wellness Check-In

4 min read
Apr 19, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Manifest Wellness in Your Life

11 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Dear Besties, Why Am I Not Feeling Well Today?

7 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Digital Learning

3 Ways Online Learning Has Made Us Better Students

5 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Positively Use the Internet in 2022

3 min read
Mar 18, 2022
Like this post
View More Stories
Explore new paths
Career Guide

No need to cram! This is the fun kind.

Quests

Learn and earn rewards along the way!

Resources

Planning for college? Don’t worry, we gotchu!

What do you want to be when you grow up?

Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.

Need more info?

Send us a Message

Error