What the FACT: Mga Tama at Mali Tungkol sa Sex

Sex is one of the most exciting and enjoyable aspects of being human. It can bring us pleasure, intimacy, and happiness, pero maaari rin itong makadulot ng pagkalito, pagkabalisa, at problema sa iba.

Bukod dito, ang sex ay isa rin sa pinaka-controversial na topic sa mundo. Marami tayong naririnig at nababasa tungkol dito, pero hindi lahat ay totoo. May mga maling paniniwala o fake news na kumakalat sa internet, sa media, pati na rin sa mga kaibigan natin.

Pero bakit nga ba natin kailangang malaman ang facts tungkol sa sex? Ang sagot: dahil ang sex ay hindi lang isang physical activity, kundi isang emotional at social experience rin.

Ito ay may epekto sa ating kalusugan, relasyon, at pagkatao. Kung hindi tayo aware sa mga tamang impormasyon at practice tungkol sa sex, maaari tayong magkaroon ng mga problema tulad ng unwanted pregnancy, sexually transmitted infections (STIs), sexual violence, o low self-esteem.

In this article, sasagutin natin ang ilan sa mga pinaka-common na tanong at myths ng mga kabataan tungkol sa sex at reproduction. Alamin ang facts behind the fiction, pati na rin tips on how to have a safe and satisfying sex life. 

Ready ka na ba? Let’s go!

Myth #1: Ang pagtalon at pag-ihi pagkatapos mag-sex ay nakakatulong maiwasan ang pagbubuntis.

Fact: Hindi ito totoo! Hindi effective ang pagtalon o pag-ihi para maiwasan ang posibilidad ng pagbubuntis. Ang pagtalon ay hindi makakaapekto sa paggalaw ng sperm cells sa loob ng reproductive tract ng babae, at ang pag-ihi naman ay hindi makakaalis ng sperm cells sa vagina, dahil ang urine ay lumalabas sa urethra, na ibang opening pa sa katawan ng kababaihan.

Let’s recall our science lessons. Ang pagbubuntis ay nangyayari kapag ang sperm cell ng lalaki ay nakapasok sa egg cell ng babae. Tandaan na ang sperm cell ay maaaring manatili sa loob ng vagina hanggang limang araw. Kaya kahit tumalon o umihi ka pagkatapos mag-sex, hindi mo basta-basta mapipigilan ang sperm cell na makarating sa egg cell.

Ang pinaka-epektibong paraan para maiwasan ang pagbubuntis ay ang paggamit ng birth control or contraceptive methods. May iba’t ibang klase na pwede mong gamitin, tulad ng condom, pills, intrauterine device (IUD), at iba pa. Pero bago ka pumili ng contraception na babagay sa’yo, kumunsulta muna sa iyong doktor o health care provider.

Myth #2: Hindi nakakabuntis ang pakikipag-sex nang walang condom basta hindi magka-climax sa loob ng vagina.

Fact: Mali ito! Kahit hindi mag-climax ang lalaki sa loob ng vagina ng babae, posible pa rin na makabuntis siya. Bakit? Dahil mayroong pre-ejaculate fluid o pre-cum na lumalabas sa penis bago pa man mag-climax ang lalaki. Ito ay maaaring maglaman ng ilang sperm cells na pwedeng makapag-fertilize ng egg cell.

Ang pakikipag-sex ng walang condom ay hindi lang nakakadagdag sa risk ng pagbubuntis, kundi pati na rin sa risk ng STIs. These can result in different symptoms and complications, tulad ng pamamaga, pangangati, sugat, discharge, infertility, pati na rin cancer.

Isa sa mga common na STIs ang oral herpes na maaaring makuha sa pamamagitan ng paghalik sa isang taong may aktibong herpes infection. Ito ay pwedeng magdulot ng mga sintomas tulad ng pagkakaroon ng singaw sa labi at bibig, na maaring magdulot ng discomfort at kahirapan sa pagkain.

Kaya naman ugaliing gumamit ng condoms dahil isa ito sa pinakamadali at pinakamurang paraan to protect yourself and your partner from unwanted pregnancy and STIs.

Myth #3: Hindi para sa lahat ang condom dahil may ibang mga penis na mas malaki o hindi kasya sa condom.

Fact: Chismis lang ‘yan! Ang condom ay mayroong iba’t ibang sizes, shapes, at textures na pwede n’yong pagpilian ng partner mo, depende sa inyong preference and comfort. No matter which brand you go for, ang mahalaga ay dapat mag-fit ito nang maayos sa penis para hindi ito madulas o masira habang nagse-sex kayo. 

Kung hindi ka sigurado kung anong size ang tamang condom para sa’yo, pwede kang mag-experiment o magtanong sa isang health care provider. Remember that condoms not only prevent unwanted pregnancy, pati na rin STIs. Kaya huwag matakot o mahiya na gumamit nito.

Myth #4: Maiiwasan ang STIs kung maliligo bago at pagkatapos makipag-sex.

Fact: Hindi rin ito totoo! Ang paliligo ay hindi makakaalis ng mga mikrobyo o germs na maaaring magdala ng STIs. Tandaan na ang STIs ay nakukuha sa pagpapalitan ng bodily fluids, tulad ng blood, semen, rectal fluid, vaginal fluid, at breast milk. Ito rin ay maaaring makahawa sa pamamagitan ng direct contact sa mga sugat, rashes, o blisters.

Ang pinakamabisa pa ring paraan para maiwasan ang STIs ay ang paggamit ng condom at ang pagpapatingin sa doktor o health care provider kung mayroon kang sintomas o exposure sa STIs. Kung ikaw ay sexually active, it’s recommended na magpa-test regularly, lalo na kung mayroon kang iba’t ibang sexual partners.

May iba’t ibang paraan ng pagte-test, tulad ng blood test o swab test. Importante na maging aware at maging responsible sa iyong sexual health para maiwasan ang mga komplikasyon ng STIs. Prioritize your sexual health and seek medical advice or testing if you suspect you have an STI.

Myth #5: Nagdudulot ng cancer ang birth control pills kaya mas okay na huwag na lang gumamit nito.

Fact: Isa itong fake news! Ang birth control pills ay isang uri ng hormonal contraception na naglalaman ng artificial hormones na estrogen at progestin. Ang mga ito ay nakakaapekto sa ovulation o sa pag-release ng egg cell mula sa ovaries. Kapag hindi nag-oovulate ang babae, hindi siya mabubuntis.

Ang pills ay hindi nakaka-cause ng cancer. In fact, may ilang mga pag-aaral na nagsasabing nakakabawas ito sa risk ng ovarian at endometrial cancer. Nakakatulong din ito sa pagma-manage ng menstrual cramps, acne, at ovarian cysts. Gayunpaman, may ilang side effects ang pills, tulad ng headache, nausea, mood changes, at spotting. Kung ikaw ay may high blood pressure, diabetes, heart disease, o iba pang medical conditions, maiging kumunsulta muna sa iyong doktor o health care provider para malaman ang tamang dosage at brand na hiyang sa’yo.

May ilang kondisyon na dapat mong isaalang-alaga bago ka magdesisyon na gumamit ng pills:

1. Kung ikaw ay menor de edad, kailangan mo ng written parental consent para makakuha nito sa mga health facilities ayon sa The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.

2. Dapat sigurado kang hindi ka buntis bago ka mag-umpisa gumamit ng pills. Ang pag-inom ng pills ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng sanggol.

3. Dapat aware kang hindi nakakaprotekta sa mga STIs ang paggamit ng pills. Kung ikaw ay sexually active o nagbabalak maging sexually active, gumamit din ng condom o iba pang barrier methods para maiwasan ang mga sakit na naipapasa sa pakikipagtalik.

Ang paggamit ng pills ay isang personal na desisyon na dapat mong gawin nang may sapat na kaalaman at responsibilidad. Hindi ka dapat makipag-sex dahil lang sa tulak ng iba o dahil lang may gamit kang pills; malalagay ka sa iba’t ibang panganib sa mga maling pag-iisip na ito.

Know your sex ed facts para iwas sa mga maling akala

Sex is a wonderful, pleasurable thing, but it requires knowledge and responsibility. Huwag basta-basta magpadala sa mga chismis o fake news tungkol sa sex at reproduction, at ugaliing magtanong o mag-research tungkol dito. Protektahan ang sarili at ang iyong partner by using condoms at iba pang contraceptive methods. At higit sa lahat, huwag makipag-sex kung hindi ka pa handa o kung hindi mo gusto.

For more information on sex and sexual health, bisitahin lang ang website ng Good Neighbors International Philippines (GNIP). GNIP is an international humanitarian and development organization na nagbibigay ng iba’t ibang programa at serbisyo para sa mga kabataan at komunidad.

Ang Likhaan Center for Women’s Health ay isang non-government, non-profit organization na naglalayong makamit ng mga kababaihan at kanilang pamilya at komunidad ang kanilang karapatan sa kalusugan, kabilang ang karapatan sa sexual and reproductive health.

Kabilang sa kanilang advocacies ay ang adolescent sexual and reproductive health and rights (ASRHR). So, what are you waiting for? Join their campaign to learn more about ASRHR, including facts from the myths on this topic, and be part of the change today!

The majority of the content contained in this material has been adapted from the “Sya Na Nga Ba” module developed by the Likhaan Center. Edukasyon.ph does not claim ownership of any of the original content within this material. The purpose of this adaptation is to provide additional educational resources and enhance the accessibility of the original module. All efforts have been made to ensure proper attribution and compliance with copyright laws. Should any discrepancies arise, please contact us immediately for resolution.

Except where otherwise noted, this specific content is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 4.0 International Public License.

 

Take care of your mental health

>
Generation Zen

Students’ Guide to Flying with Singapore Airlines

4 min read
Feb 21, 2024
Like this post
>
Generation Zen

Students’ Guide to Flying with Singapore Airlines

4 min read
Feb 21, 2024
Like this post
>
Generation Zen

How to Ditch the Mindless Scroll and Have Fun on the Internet Instead

6 min read
Dec 22, 2023
Like this post
>
Generation Zen

5 Things You Can STILL Do Online Even in Your F2F Learning

5 min read
Dec 22, 2023
Like this post
>
Generation Zen

How To Channel Confidence This Back-to-School Season

3 min read
Aug 11, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Which Wellness Reminder Do You Need Today?

1 min read
May 25, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways To Deal With Face-To-Face Classes Anxiety

6 min read
Apr 22, 2022
Like this post
>
Generation Zen

3 Ways You Can Do a Wellness Check-In

4 min read
Apr 19, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Manifest Wellness in Your Life

11 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Dear Besties, Why Am I Not Feeling Well Today?

7 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Digital Learning

3 Ways Online Learning Has Made Us Better Students

5 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Positively Use the Internet in 2022

3 min read
Mar 18, 2022
Like this post
View More Stories
Explore new paths
Career Guide

No need to cram! This is the fun kind.

Quests

Learn and earn rewards along the way!

Resources

Planning for college? Don’t worry, we gotchu!

What do you want to be when you grow up?

Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.

Need more info?

Send us a Message

Error