Paano Kung LGBT+ Ang Anak Ko?

Gabay para sa magulang ng gender-diverse na kabataan

Suporta, pagmamahal, at pagtanggap–ito ang pinaka kailangan ng iyong anak sa kanilang “coming out” stage.

Ang pagiging isang magulang daw ang isa sa pinaka-rewarding na karanasan sa buhay ng isang tao. Madalas itong naitatanong sa mga soon-to-be moms: “Anong gusto mong maging anak, babae o lalaki?” Pero paano kung paglaki ng baby mo eh iba yung sexual orientation, gender o kasarian* niya? Paano kung bakla, lesbiyana, bisexual, o transgender?

Paano kung iba siya sa gusto mo? Matatanggap mo pa rin ba?

Kalimitan sa murang edad pa lamang ng isang bata ay maaaring makikita mo na ang mga senyales na hindi sila tumutugma sa inaasahan ng lipunan–may batang lalaking malambot, may batang babae na brusko, may ibang bata gusto ng lalaki pero gusto rin ng babae. Bilang isang magulang, marahil mahirap maintindihan ang ganitong kasarian pero mahalaga ang tandaan na ang bawat bata ay magkakaiba at may kani-kaniyang feelings at identity. 

“Pakiramdam ko, iba ako.”

“Bakit yung kaklase kong babae rin ang gusto bestida, bakit ako gusto ko t-shirt at pantalon?”, “Bakit yung kaibigan kong lalaki ang crush niya babae pero ako ang crush ko… siya…?”

Sa ganitong stage kung saan ang isang teenager ay nakakaranas ng confusion o pagkalito sa kung ano ang gender identity nila, mararamdaman din nila ang pagiging outcasted o hindi “belong” sa kapwa nilang mga bata kasi feeling nila iba sila. Pwedeng i-isolate o ilayo nila ang kanilang sarili sa iba sa takot na mahusgahan. Maaaring mas maging conscious sila sa kanilang kilos dahil hindi pa sila sigurado sa bagong nararamdaman nila. 

“I think I’m gay (or lesbian, bisexual, or trans). Pero hindi ko alam ang gagawin o mararamdaman…”

Ito na. CONFIRMED. Ito na yung stage kung saan ang isang bata ay aminado na sa kanyang sarili na hindi siya babae o lalaki. Pwedeng nagkakagusto siya sa kalaro niya ng basketball sa kanto, o nagkakagusto siya sa kasama niya sa school eh nasa all girls school siya.

Iba-iba ang pwedeng maging reaksyon ng isang teenager na nagsisimula pa lang na madiskubre ang kanilang kasarian. May iba na masaya, may ibang gumiginhawa ang pakiramdam. Maaaring liberating ito sa iba, pero may iba ring nababahala.

Maraming bata ang tinitiis o tinatago ang tunay nilang kasarian. Sinasarili nila ito at kinikimkim para makafit-in o makasabay sa mga “normal” nilang kaedaran at para na rin maiwasan ang magiging puna ng iba lalong-lalo na ng kanilang pamilya. 

Ayon sa pag-aaral mula sa Family Acceptance Project (FAP) sa San Francisco State University, malaki ang epekto ng suporta ng magulang sa mental health at pangkalahatang kalusugan ng kanilang anak na miyembro. Dahil maraming kabataan ang nao-overwhelm ng kanilang damdamin, maaari itong maging sanhi ng depresyon, anxiety, at iba pang mental health issues. Pero sa tulong, suporta, at pagmamahal ng mga magulang, maaari itong maiwasan.

Ang pagkakaroon ng supportive na community o ang makaramdam ng suporta mula sa mga tao sa kanilang paligid ay isang magandang paraan para maka-adjust sila nang mas maigi at mas maging madali ang proseso ng pagtanggap nila sa kanilang sarili. 

Ano ang pwede kong magawa bilang isang magulang?

Normal sa LGBTQ teens na makaranas ng takot at pangamba kaya dito nila mas kailangan ng paggabay, pagsuporta, at pagmamahal mula sa kanilang pamilya. Bilang isang magulang, ang pwede mong gawin ay:

  • Ugaliing regular na kausapin ang iyong anak. Kilalanin mo kung ano ang kanilang mga interes, sino ang kanilang mga sinasamahan, o sino ang kanilang nagugustuhan.
  • Maging masusi ka sa pagpuna o pagtingin ng signs. Pwedeng hindi lang nagsasabi ang iyong anak pero baka nabubully o kinukutya na pala ang iyong anak sa school. Antabayanan kung may pagbabago ba sa ugali ng iyong anak.
  • Suportahan ang gusto niyang samahang grupo ng kaibigan (basta mabuti ang maidudulot na impluwensya sa kanya). Mahalaga ang magkaroon siya ng support group o grupo ng mga tao na makaka-relate siya.
  • Hayaan mo siyang maging ang totoo sa kanyang sarili. Huwag mo siyang pigilan kung gusto niya i-express ang totoong “siya.” Hayaan mo siyang maging komportable sa kung ano ang totoo niyang pagkatao.

Paano kung nag ‘come out’ ang anak ko, paano ako dapat mag-react?

Iba-iba ang posibleng maging reaksyon ng bawat magulang lalo pa’t marami sa atin ang pinalaki sa konserbatibong pamamaraan. Hindi malayong ang pag-amin o pag “come out” ng iyong anak ay ikabigla mo bilang isang magulang. Pwedeng maisip mo na nabigo ka bilang isang magulang, maaring masaktan ka, magalit, at maghanap ng masisisi sa nangyayari. Pero ang mga ganitong pag-iisip ay walang maitutulong sa sitwasyong inyong kinakaharap. Magandang mapag-usapan ninyo ito nang masinsinan para maparating mo sa kanya ang saloobin mo at magkasama niyong kayanin at i-proseso ito. 

Maraming miyembro ng LGBTQIA+ ang hanggang ngayon ay hirap pa rin na mag “come out” o magladlad sa kanilang mga magulang dahil sa maraming dahilan gaya ng:

  • Rejection o takot na hindi matanggap
  • Pangamba na baka sila ay saktan
  • Maging isang kahihiyan, makutya at laitin
  • Mapalayas o itakwil bilang anak

Sa lahat ng tao, ang iyong reaksyon ang pinaka-importante para sa iyong LGBTQIA+ na anak. Sa reaksyon mo rin siya pinaka nangangamba at natatakot. Kaya ang pwede mong gawin ay:

  • Sagutin sila sa malumanay na paraan. Hindi ito ang panahon para sila ay sigawan o pagalitan. Kailangan nilang maramdaman na pwede silang mag-open sa iyo.
  • Tanggapin at mahalin sila kahit ano pa ang kasarian nila. Kahit mahirap, subukan niyong intindihin kung saan sila nanggagaling. 
  • Ipaglaban ang kanilang karapatan laban sa mga mangungutya sa kanila. Ipakita mo sa iba na hindi mo ito-tolerate ang ano mang panlalait o pangbubully sa iyong anak at sa mga kagaya niyang miyembro ng LGBTQIA+ community. Iparamdam mo sa anak mo na nandyan ka para sa kanila.
  • Ipakita ang iyong suporta sa pamamagitan ng pagpayag na sumali sila sa events o grupo kung saan mas mararamdaman nila na hindi sila nag-iisa.

Marahil ay naiisip ng ibang mga magulang na may LGBTQIA+ na anak na tila hindi na nila kilala ang kanilang anak kasi “iba” na sila. Hindi ganon iyon. Sa kanilang paglaladlad o coming out mo sila mas makikilala at maiintindihan dahil ‘yon ang totoong sila. Sila pa rin yung anak mo na pinangarap mong lumayag at maging matagumpay. Kung ipapadama at ipapakita mo ang iyong buong pagsuporta sa kanila, magagawa pa rin nilang abutin ang kanilang mga pangarap.

Ang pagtanggap ay isang continuous process–hindi lang sa parte ng anak kundi pati na rin sa magulang. Kung gaano kahirap para sa isang teenager na intindihin ang kanyang sarili, ganito rin ang proseso para sa mga magulang. Para sa mga magulang, mahirap mang intindihin ang gusto ng inyong anak, mahalaga ang maipakita niyo ang pagmamahal at suporta niyo sa kanila kahit ano pa man sila.

“Tanggap kita.” Ang sarap pakinggan ‘di ba? Baka hinihintay ka ng anak mo na sabihin ito sa kanya. Mahaba pa ang magiging paglalakbay niya sa pagtuklas ng kanyang kasarian kaya sana ay hindi ka bumitaw hanggang sa huli. Sabi nga sa commercial dati.. Kung saan ka masaya ti suportahan ta ka! 

*Maraming iba’t ibang dimensyon ang kasarian. Sa babasahing ito, ang salitang kasarian ay maaaring tumukoy sa SOGIESC, o sexual orientation, gender identity and expression, and sex characteristics.

 

Take care of your mental health

>
Generation Zen

Students’ Guide to Flying with Singapore Airlines

4 min read
Feb 21, 2024
Like this post
>
Generation Zen

Students’ Guide to Flying with Singapore Airlines

4 min read
Feb 21, 2024
Like this post
>
Generation Zen

How to Ditch the Mindless Scroll and Have Fun on the Internet Instead

6 min read
Dec 22, 2023
Like this post
>
Generation Zen

5 Things You Can STILL Do Online Even in Your F2F Learning

5 min read
Dec 22, 2023
Like this post
>
Generation Zen

How To Channel Confidence This Back-to-School Season

3 min read
Aug 11, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Which Wellness Reminder Do You Need Today?

1 min read
May 25, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways To Deal With Face-To-Face Classes Anxiety

6 min read
Apr 22, 2022
Like this post
>
Generation Zen

3 Ways You Can Do a Wellness Check-In

4 min read
Apr 19, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Manifest Wellness in Your Life

11 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Dear Besties, Why Am I Not Feeling Well Today?

7 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Digital Learning

3 Ways Online Learning Has Made Us Better Students

5 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Positively Use the Internet in 2022

3 min read
Mar 18, 2022
Like this post
View More Stories
Explore new paths
Career Guide

No need to cram! This is the fun kind.

Quests

Learn and earn rewards along the way!

Resources

Planning for college? Don’t worry, we gotchu!

What do you want to be when you grow up?

Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.

Need more info?

Send us a Message

Error