Puberty: Ang Nagbabagong Ikaw

Ang nararamdaman mong kakaiba ay bahagi ng iyong pagbabago. Okay lang ‘yan. That’s normal, and you’re just fine.

Madalas ka bang nakaka-experience ng discomfort sa iyong katawan? O mood changes? Or you just feel something weird na hindi mo ma-describe? Ang lahat ng ito ay normal para sa iyong edad. Lahat ng mas nakatatandang kilala mo ay dumaan din dito.

Ang puberty stage, o mas kilala bilang pagdadalaga, pagbibinata, o ang mga pagbabago at pagma-mature ng katawan mula 9 to 14 years old. Ito ay parang isang roller coaster ride ― exciting pero nakakakaba o nakakapanibago sa una dahil sobrang daming changes na nangyayari, halos sabay-sabay at feeling mo ay medyo overwhelming.

Puberty in general

During puberty stage, nagkakaroon ng pagbabago sa hormones, o chemicals sa loob ng katawan, kaya naman marami ring changes ang nangyayari. Walang saktong edad kung kailan mararanasan ng mga teenager tulad mo ang mga changes na ito.

Sa mga lalaki, ang kadalasang age ng puberty ay nagsisimula mula 12 to 13 years old, at sa babae naman ay 10 to 12. Ang maliit na organ sa ilalim ng utak na tinatawag na pituitary gland ay maglalabas ng likido o hormones na naglalakbay mula sa utak patungo sa mga glandulang pangkasarian o sex glands.

Ang mga specific stages ng pisikal na development ay hindi pare-parehas para sa lahat, ngunit pangunahing pagbabago ang sekswal na aspekto.

Let’s get physical

Sa boys, ang ang testosterone ay nagmumula sa dalawang testis o bayag. Nagbibigay ito ng katangiang panlalaki kagaya ng malaking kalamnan o muscles, malaki at malalim boses, at mga buhok sa katawan. Kasama sa physical changes ay ang pag-uumpisang paglaki ng ari (penis), at pagkakaroon ng wet dreams o paglalabas ng semilya habang natutulog kahit hindi naman hinahawakan (o pinaglalaruan) ang ari.

Nagkakaroon din ng bigla at mabilis na paglaki o pagtangkad na tinatawag na growth spurt; paglapad ng balikat o mabilis na pagdevelop ng muscles na nagbibigay ng kakayahan sa paggawa ng mabigat na gawain; at pagkakaroon ng/ng mga tigyawat, at pagtubo ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan tulad ng kili-kili, binti, bigote, balbas, at ari.

Sa girls naman, ang estrogen ay nagmumula sa dalawang obaryo na nagbibigay ng mga katangiang pambabae gaya ng paglaki ng dibdib, at pagkakaroon ng regla. Ito rin ang dahilan kung bakit nagiging hinog ang mga itlog sa obaryo na pangunahing senyales na maaaring magbuntis.  Kung kaya’t karampatang pag-iingat sa sarili ay dapat gawin upang maiwasan ang maagang pagbubuntis.

Ilan pa sa physical changes sa mga babae ay ang pagkakaroon ng hubog ng katawan  partikular na ang paglapad ng balakang at pagbukol dibdib; nagsisimula din ang pagtubo ng tigyawat, at pagtubo ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan; at pag-iiba ng kilos tulad ng pagiging palaayos at pagkakaroon ng interest sa grooming kagaya ng paglalagay ng make-up sa mukha at accessories sa katawan sa katawan.

Teenage brain development

Ang mga pagbabagong ito ay hindi lamang sa pisikal na aspekto, kasabay rin nito ang emosyonal o sikolohikal na pagbabago katulad na lamang ng matinding emosyon gaya ng lungkot, confusion, o hindi mapaliwanag na angst o pag-aalala.

Sa puberty stage din nagkakaroon ng significant growth and development sa teenage brain na pangunahing dahilan ng emotional at psychological changes.

Ang pangunahing change sa utak ay ang pag-develop ng prefrontal cortex na siyang responsable sa decision-making, ability na magplano at mag-isip ng consequences ng bawat actions, magsolve ng porblema, at magcontrol ng impulses.

Dahil ang prefrontal cortex ay nagdedevelop pa, ang teenage brain ay maaaring umasa sa isang bahagi ng utak na tinatawag na amygdala. Ang amygdala ay nauugnay sa emosyon, impulses, aggression, at instinctive behavior na naka-base sa experience.

Love is in the air

Sa pagdadalaga o pagbibinata din ang stage na unang nagkakaroon ng atraksyon para sa ibang tao. Crush o paghanga, nagkakaroon ng matinding bugso upang manligaw at makipagrelasyon sa ibang tao.

Ang mga ganitong kaisipan o damdamin ay ang simula ng sexual awakening ng karamihan sa mga teenagers. Sa ganitong edad na rin nagsisimulang mag-masturbate (o paglalaro ng ari). May ibang tao na ginagawa ito, may iba naman na hindi. Ito ay parehong normal.  Hindi ito normal kapag ito ay ginagawa sa publiko o ginagawa nila sa iba nang walang pahintulot.

Dahil nananatiling sensitibo ang mga Pilipino sa usaping sekswal, mahalagang pag-usapan ang sekswalidad sa puberty stage upang magkaroon sila ng healthy at nakasisiyang sekswalidad at pakikipag relasyon sa kanilang paglaki. Mahalaga rin ito upang maipaliwanag ang unsafe sex practices, makaiwas sa sexually transmitted infections at/o teenage pregnancy.

It’s all normal!

Normal lang ang mga nararanasang ito para sa mga teenager na dumadaan sa puberty stage. Normal din na mahirapan o maguluhan ka. Ang mahalaga ay naghahanap ka ng paraan upang mas maintindihan ang iyong pinagdadaanan.

Sikaping maging positive. Ang totoo, ang puberty ay isang pisikal at emosyonal na pagbabagong kailangan mo. Huwag mong ikumpara ang iyong sarili sa iba, at huwag mag-focus sa negatibong pananaw mo sa iyong sarili. Talaga bang ang lahat ng tao ay nakatingin sa iyo? Minsan conscious ka lang masyado sa sarili mo at pakiramdam mo lahat ng tao ay nakatingin sayo. Anuman ang sabihin ng iba sa iyong paglaki, normal lamang ang mga pagbabagong ito kaya huwag mong masyadong damdamin.

Importante din ang pagkaroon ng sapat na exercise at pahinga. Makatutulong ang sapat na tulog para hindi ka maging masyadong iritable, stressed, at malungkot (o depressed).

Upang mas maintindihan ang iyong mga pinagdaraanan, maaaring makipag-usap sa iyong magulang, sa isang nakatatandang pinagkakatiwalaan mo, o sa isang medical or mental health professional. Sa umpisa, medyo nakakailang, pero malaking tulong ng mga payong makukuha mo sa kanila.

 

Take care of your mental health

>
Generation Zen

Students’ Guide to Flying with Singapore Airlines

4 min read
Feb 21, 2024
Like this post
>
Generation Zen

Students’ Guide to Flying with Singapore Airlines

4 min read
Feb 21, 2024
Like this post
>
Generation Zen

How to Ditch the Mindless Scroll and Have Fun on the Internet Instead

6 min read
Dec 22, 2023
Like this post
>
Generation Zen

5 Things You Can STILL Do Online Even in Your F2F Learning

5 min read
Dec 22, 2023
Like this post
>
Generation Zen

How To Channel Confidence This Back-to-School Season

3 min read
Aug 11, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Which Wellness Reminder Do You Need Today?

1 min read
May 25, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways To Deal With Face-To-Face Classes Anxiety

6 min read
Apr 22, 2022
Like this post
>
Generation Zen

3 Ways You Can Do a Wellness Check-In

4 min read
Apr 19, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Manifest Wellness in Your Life

11 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Generation Zen

Dear Besties, Why Am I Not Feeling Well Today?

7 min read
Apr 12, 2022
Like this post
>
Digital Learning

3 Ways Online Learning Has Made Us Better Students

5 min read
Mar 18, 2022
Like this post
>
Generation Zen

5 Ways to Positively Use the Internet in 2022

3 min read
Mar 18, 2022
Like this post
View More Stories
Explore new paths
Career Guide

No need to cram! This is the fun kind.

Quests

Learn and earn rewards along the way!

Resources

Planning for college? Don’t worry, we gotchu!

What do you want to be when you grow up?

Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.

Need more info?

Send us a Message

Error